Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, vlogger na rin

ANG multi-talented at masipag na actor/businessman na si Tonz Are ay sumabak na rin sa pagiging vlogger. Habang hindi pa full-blast ang mga naka-line-up na acting assingments ng award winning indie actor, minabuti ni Tonz na gawin ito dahil matagal na niyang dream maging vlogger.

 

“Sobrang happy ako sa pagba-vlog, kasi mula noon ay pangarap ko nang maging vlogger,” sambit ni Tonz.

 

Aniya, “Bale, naka-two episodes na ako sa vlog ko, about sa foods. Actually po, nag-start ako last year pa, na-stop lang noong naging busy ako sa mga shootings ko.

“Naisip kong about sa food ang i-vlog ko, kasi related din sa business kong Tonz Tapsilogan and gusto ko rin dahil talagang food lover ako.”

 

Kumusta ang feedback sa kanyang vlog? “Okay naman po ang feedback, kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil ang daming nagre-request ulit sa mga susunod kong vlogs. Gusto nilang makita pa ang iba’t ibang pagkaing Pinoy at menu ko sa aking tapsilogan.

 

“Abangan po nila, may ilalabas ulit akong vlog very soon, this month mag-shoot pa lang kami ulit, foods pa rin ang content namin. Mas marami pa silang aabangan sa vlogs ko, kasi may mga celebrity guest din ako,” masayang bulalas ni Tonz.

 

Ano’ng ibang topics ang gusto niyang ipakita sa susunod niyang vlogs?

 

Sagot ni Tonz, “Mukbang po ulit, iba’t ibang Pinoy foods pa rin ang ipapakita ko sa mga susunod ko pang vlogs. Puwede rin, na kung paano ipini-prepare at iniluluto ko, pati ‘yung mga secret ingredients namin din, sa Tonz Tapsilogan.

 

“Iyong Tonz Tuyo Gourmet at Tonz Chili Sauce and Tonz Bagoong, best seller ko po iyon, ako mismo ang gumagawa, ako mismo ang nagtitimpla. Puwede ko rin itong i-vlog.”

 

Pahabol niya, “Puwede rin po ‘yung mga newcomer na tinutulungan ko sa acting workshop. Ang mga workshoppers ko, active pa rin ‘yung Daydreamer at plan ko po… kasi ‘di pa puwede mag-workshop nang actual, kaya plano ko ay via Zoom. Plan namin na ituloy ang workshop, para ‘di sila matengga. Sayang din kasi ang panahon, lalo na at nasimulan na po namin noon ang workshop.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …