Saturday , November 16 2024
dead gun police

Prinsipal sa Cotabato itinumba ng bala

BINAWIAN ng buhay ang isang school principal nang barilin sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, noong Huwebes ng umaga, 23 Hulyo.

 

Kinilala ni P/Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit municipal police, ang biktimang si Abdullah Hussain, 43 anyos, residente sa Barangay Fort Pikit, sa naturang bayan.

 

Nabatid na si Hussain ay punong-guro ng Dagadas Elementary School na matatagpuan sa Barangay Buliok.

 

Ani Pangandigan, sakay si Hussain ng kaniyang motorsiklo galing sa palengke nang barilin ng hindi kilalang suspek dakong 10:45 am, saka tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

 

Dagdag ni Pangandigan, patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa likod ng pamamaslang.

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *