Monday , December 23 2024

2 RTVM employees positibo sa COVID

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang empleyado ng Radio Television Malacanang (RTVM).

 

Nabatid sa source, kagabi lumabas ang resulta ng swab test ng tatlong kawani na klasipikado bilang person under investigation (PUI), at dalawa sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

 

Ang RTVM ang naatasang ekslusibong mamahala sa broadcast ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, 27 Hulyo 2020.

 

Napag-alaman, ang exposure ng dalawang taga-RTVM ay sa isang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa New Executive Building (NEB) na naunang nagpositibo.

 

Nauna rito, apat na kawani umano ng Office of the President (OP) ang nagpositibo sa COVID-19 at hinihintay pa ang resulta ng swab test ng lahat ng nakasama nila sa shuttle bus.

 

 

Ayon sa impormante, hindi umano sumailalim sa quarantine ang nagkaroon ng “close contact” sa COVID-19 positive employees dahil babawasan ang kanilang leave credits.

 

Patuloy na pinapayagang mag-duty ang mga empleyado habang hinihintay ang resulta ng swab test.

 

Nangangamba umano ang ilang empleyado ng OP na kumalat ang sakit sa kanilang mga tanggapan lalo na’t hindi naman lahat ay nag-swab test.

 

Napag-alaman, lahat ng OP shuttle bus ay na-disinfect na.

 

Anang source, “100% ang pinapasok, mas malaki ang chance na magkahawaan kapag may asymptomatic.”

 

Simula noong Martes, 21 Hulyo hanggang 27 Hulyo 2020 ay suspendido ang trabaho sa PCOO sa NEB sa Malacañang Complex sa JP Laurel St., San Miguel Manila.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa resulta ng swab test, walang nagpositibo sa lahat ng kanyang tauhan sa Office of the Presidential Spokesperson (OPS).

 

“No OPS staff with COVID. We just had PCR tests. No positives. Its PCOO in NEB that had cases,” ani Roque sa text message sa media kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *