Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima Donnas cast, muling sasalang sa isang pagsubok

ISANG panibagong challenge ang hinarap ng cast ng Prima Donnas sa kanilang online show na Prima Donnas: Watch From Home noong Biyernes, July 17.

Sa episode na ito ay hinamon sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Vince Crisostomo na umarte habang ginagamit ang ’90s slang katulad ng ‘Tom Jones,’ ‘Tara Let’s,’ ‘Japorms,’ at marami pang iba.

At para naman sa senior stars na sina Wendell Ramos, Aiko Melendez, Katrina Halili, at Benjie Paras, sinubukan nilang gumamit at bigkasin ang tamang pronounciation ng millennial terms tulad ng ‘cringe fest,’ ‘SKL,’ ‘pweds,’ at iba pang mga salita habang in-character sila.

Nagawa kaya ng cast ang hamon na ito? Para malaman, muling panoorin ang episode sa official YouTube channel at Facebook account ng GMA Network.

Samantala, ngayong Biyernes (July 24), tumutok sa panibagong episode ng Prima Donnas: Watch From Home para mapanood nang live ang masayang kulitan ng cast ng programa.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …