Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pastry business ni Ai Ai, lumalago

ISA si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa mga artistang naisipang magbukas ng negosyo sa gitna ng quarantine matapos pansamantalang maantala ang kanilang trabaho bunsod ng Covid-19 pandemic.

Dahil sa pamamalagi sa bahay, napagdesisyonan ni Aiai na gamitin ang  culinary skills at simulan ang isang pasty business na hango sa kanyang tunay na pangalan, ang Martina’s Bread and Pastries.

Sa kasalukuyan, matagumpay at patuloy na lumalago ang baking business ng Kapuso actress. Isa sa mga natutuhan niya sa baking ay importante ang tama at saktong sukat ng ingredients, “Ngayon ko lang din nalaman na ang yeast ay nag-o-overheat. Isa sa secret is precision, kailangan precise dapat ‘yung recipe mo.”

Masaya namang ibabahagi ni Aiai ang kanyang mga napagdaanan habang binubuo pa lamang ang baking business pati na rin ang ilang recipes sa kanyang guesting sa fresh episodes ng Mars Pa More kasama ang hosts at Kapuso moms na sina Camille Prats at Iya Villania.

Abangan ang kanilang masayang chikahan sa Lunes (July 27), 8:50a.m., sa GMA Network.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …