Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edu, na-enjoy ang pakikipagkulitan kina Toni at Alex

KUNG mayroon tayong isang tunay na Darna sa katauhan ng isang Angel Locsin, na may kapa man o wala ay walang sawang tumutulong sa mga higit na nangangailangan, na umabot na sa pagkakaroon niya ng  Iba ‘Yan na programa sa Kapamilya, hindi naman nagpapahuli ang kanyang counterpart na si Captain Barbell, sa tahimik din lang nitong paghahatid ng ayuda sa mga tao.

Nang magkaroon ng pandemya, nalungkot siyempre ang aktor, na isa ring politikong si Edu Manzano, hindi lang dahil nabimbin ang plinano nilang reunion uli sa bansang Italya ng kanyang mga kapatid, kundi ang pagkakaroon nito ng apekto sa lahat ng tao.

Kaya naging bahagi nga ng dasal ni Edu na sana, kahit dito lang eh, makapiling pa rin niya ang mga mahal sa buhay gaya ng kanyang kapatid na nasa parteng Batangas.

“Every now and then, basta allowed to travel there, I go to Batangas to visit my brother. Iba rin ang country life. Idyllic, ‘Lar.”

Ang home in the South ni Edu ay sa Barangay Calayo, in Nasugbu Batangas. Nae-enjoy nito ang buhay probinsiya sa kanilang resort sa #Samsara.

At kapag naman nasa kanyang tahanan sa San Juan at naka-lockdown, nagagawa na rin nito ang Zoom meetings para na rin sa kanyang interviews sa mga panauhin niya sa ipinagkaloob na programa ng #MetroChannel na #GoodVibeswithEdu.

“Nakatutuwa ‘Lar. Kasi, last Sunday, ipinalabas uli ‘yung episode with the ’Palibhasa Lalake’ stars. Sina Goma (Richard Gomez), Amy Perez and Anjo Yllana. Kulang pa nga ‘yun kasi wala pa sina Joey Marquez and John Estrada pero riot na.”

Ang unang episode niya featured his children–LuisEnzo and Addie.

“This coming Sunday at 8:30 p.m. (Channel 52 sa Sky Cable) another riot na naman ang mangyayari. Kasi, I will have the privilege of conversing with the Gonzaga sisters, Toni and Alex.”

‘Am sure, hindi mawawala sa pag-uusapan si Mommy Pinty!

“Haha, bakit mo alam? Yes, we touched on her. Pati si Daddy. The life they are leading now. And Alex introduced din her boyfriend. So, aabangan na naman ‘yan for sure.”

Sa Samsara, sa Barangay Calayo, hindi naman tumitigil si Edu sa pamamahinga lang sa kanyang matatawag na paraiso. Umiikot pa rin siya para sa maiaambag pa niyang mga tulong doon. Naka-ilang rounds na sila ng pamamahagi ng ayuda mula day 1 ng lockdown.

“Masaya kasi, Covid-19 free naman so far ang lugar.”

Pagdating sa hosting, alam nating hindi matatawaran ang kakayahan ng isang Edu. Kaya, asahan na ang saya lalo na sa kanyang pagbabahagi ng good vibes tuwing Linggo ng gabi.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …