MISTULANG ginatungan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang sentimyentong anti-China ng ilang opisyal at kagawad ng Armed Forces of the Philippines nang himukin silang makipag-alyansa sa New People’s Army (NPA) para patalsikin sa poder ang administrasyong Duterte.
“It is possible for the patriotic and democratic-minded officers and enlisted personnel of the AFP to unite with the NPA in opposing and ousting from power a regime that is tyrannical, anti-national and anti-democratic,” ayon kay Sison sa isang kalatas kahapon.
Ginamit na tuntungan ni Sison sa alok na tactical alliance sa AFP ang umano’y pagtraydor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino at pagiging tuta ng China.
“The enlisted personnel of the AFP and the rank and file of the NPA come mostly from the working class and peasantry. They can have a common ground for unity and for a just peace in a program of genuine land reform and national industrialization,” ani Sison.
Sa ginanap aniyang peace negotiations, ipinanukala ng National Democratic Front (NDF) ang naturang programa sa gobyernong Duterte, kasama ang oil at gas exploration sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea gamit ang teknolohiya mula sa oil company ng Norway ay inaasahang kikita ang bansa ng hanggang US$26 trilyones, halagang sapat upang ipatupad ang “genuine land reform and national industrialization” sa Filipinas.
Ngunit mas minabuti umano ni Pangulong Duterte na ibenta sa China ang sovereign rights ng sambayanang Filipino sa marine at mineral resources sa WPS.
Kinamkam umano ng China ang yamang dagat sa WPS na tinatayang nagkakahalaga ng US$ 1.5 trilyon at pinagbawalan mangisda ang mga mamamalakayang Pinoy sa karagatan.
Sa nakalipas na apat na taon ay isinantabi ni Pangulong Duterte ang 2016 judgment ng Permanent Court of Arbitration alinsunod sa United Nations Convention on the Laws of the Seas (UNCLOS) na pabor sa Filipinas at laban sa pangangamkam ng China.
“And he has allowed China to build and militarize seven artificial islands in the EEZ of the Philippines and prevent the development of the oil and gas resources of the Philippines,” dagdag ni Sison.
Mas ginusto umano ni Pangulong Duterte na mamalimos sa China ng US$24 bilyong halaga ng foreign loans para sa “overpriced infrastructure projects” sa ilalim ng kompletong control ng China sa lahat ng aspekto (engineering contracts, equipment, supplies and labor) dahil umano sa inaasahang matatanggap na suhol mula sa loan at construction contracts.
“So far, China has fallen far short of its promise of intolerably onerous loans,” paliwanag ni Sison.
“Duterte has deliberately terminated the GRP-NDFP peace negotiations in order to scapegoat the CPP and NPA and realize his scheme of fascist dictatorship, his obsession to gain absolute power for the purpose of absolute corruption in favor of his dynasty and his oligarchic allies at the expense of the Filipino people,” wika ni Sison. (ROSE NOVENARIO)