Wednesday , December 25 2024

Sarah G., kaakibat ng PSA sa 2020 Census of Population and Housing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“SARAH GERONIMO is present in all forms of social media. ‘Yung reach niya malawak.” Ito ang tinuran ni Minette Esquivias, OIC Deputy National Statistician nang matanong kung bakit ang misis ni Matteo Guidicelli ang kinuha ng Philippine Statistics Authority (PSA) para maging endorser at tagahikayat sa publiko para makilahok sa 2020 Census of Population and Housing (CPH) na magsisimula sa Setyembre 2020.

Ani Joseph Cajita, Chief Statistical Specialist ng PSA, “As much as possible gusto namin mas malawak ang marating ng aming campaign para mabilis sa gagawing census. Siya ang bagay sa ganoong estado na makapagbibigay ng mas malawak na campaign para sa proyektong ito.”

Paliwanag pa ni Cajita, makakahatak ng malaki ang pag-eendoso ni Sarah sa kanilang proyekto bagamat itinanggi niyang hindi sila naging effective sa mga nagdaang pagsasagawa ng census. “Naisip ho namin na  okey ito bilang panibagong strategy na pwede silang i-engage. At nagpapasalamat kami na nakuha naming si Sarah, hindi siya masyadong heavy at hindi kami pinahirapan.”

Kasabay ng virtual conference kahapon ang paglulunsad ng 60-second infomercial ni Sarah. Ipinakita rin ang Dance at Music Video na kinunan sa Legazpi City (para sa Luzon), Cebu City (para sa Visayas), at Davao City (para sa Mindanao) ng CPH  na nagpapaalala sa lahat na ang paparating na 2020 Census of Population and Housing ay gagawin sa buong bansa. Si Flor Varona ang sumulat ng jingle samantalang ang lahat ng band members ay galing sa iba’t ibang branch ng Philippine Statistics Authority. Ang mga dancer naman ay galing sa Central office (NCR) pati na rin sa iba’t ibang Regional Field Office.

Kasama rin nina Esquivias at Cajita sa press conference si Varona, Officer-In-Charge, Assistant National Statistician, PSA.

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay binigyan ng mandate o utos ng pamahalaan sa pamamagitan ng Executive Order No. 352 at Republic Act 10625 na simulan na sa Seytembre 2020 ang pagce-census. Ang lahat ng mga sambahayan at mga institusyon ay mapapasailalim sa isang masusing pagkalap ng datos sa kanilang bilang at iba’t iba pang impormasyon sa pamamagitan ng 2020 Census of Population and Housing o CPH.

Ang buong proseso nito ay ang pagpunta ng mga kawani ng CPH sa mga bahay at komunidad. Ang mga datos na kukunin ay sex, edad, marital status, edukasyon, relihiyon, ethnicity, disability, trabaho, at mga datos ng pagkasilang at pagkamatay na kasama sa sambahayan.

Layunin ng 2020 CPH na maghatid ng mga kasalukuyang datos na makatutulong sa gobyerno na makapagbuo ng mas kapaki-pakinabang na mga polisiya, mga plano, at proyekto. Ito rin ay maghahatid ng mahahalagang impormasyon para sa mga negosyo, iba’t ibang industriya at non-profit organization pati na rin ang mga research at academic institutions. Ito ay magsisimula nang maipatupad sa buong bansa simula ngayong Setyembre 1, 2020. Ito ay magmamarka sa ika-15 Census ng Population at ika-7 ng Census of Housing.

Nais ipaalam ng PSA sa publiko na iginiit din ni Sarah sa kanyang pag-eendoso na ang mga makakalap na impormasyon sa 2020 CPH ay mananatiling confidential, bilang pagsunod sa  Section 26 o Republic Act No. 10625 at Section 8 of Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012. Walang datos ang ilalabas na may mapapangalanang indibidwal o pamilya. Ang pagresponde o pagbahagi sa proyektong ito ng CPH ay mandatory o mahigpit na ipapatupad ng gobyerno na nakasaad sa Section 25 of RA 10625 o Philippine Statistical Act. Samakatwid, ang pagsagot sa bawat tanong sa census ay obligasyon ng bawat mamamayan.

Mahigit 100,000 enumerator at Census supervisor ang mag-iikot sa lahat ng sambahayan para kumalap ng impormasyon sa buong bansa. Ang interview sa bawat sambahayan ay tatagal lamang ng 15 hanggang 30 minuto.

At bilang paghahanda sa gagawing CPH,  sumailalim na sa training ang mahigit sa 100,000 enumerator na susunod sa mga polisiyang ipinatutupad patungkol sa pandemya tulad ng pagsusuot ng mask, physical distancing, at iba pa.

Kaya sabi nga ni Sarah, “Sama Na, Census Na!”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *