Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana kaya ninyong sagutin ang lahat ng gastusin ng bawat pamilya — Nikki Valdez

ISA sa masigasig na magpahayag ng saloobin niya sa pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya ay ang aktres na napapanood sa A Soldier’s Heart na si Nikki Valdez.

Nagbahagi ng saloobin niya sa Facebook ang aktres sa sakit ng loob na nadarama niya at ng kabiyak ng puso.

“Dalawa lamang ito sa mukha ng libo libong empleyado ng ABSCBN na mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan. May posibilidad na kasama ang asawa ko doon. 

“Madali lang para sa inyo na sabihin na hindi lang naman sa amin nangyari o nangyayari ito. Na maghanap nalang kami ng ibang trabaho. Na huwag kami mag over react. Na kumpanya namin ang may kasalanan. Na buti nga sa ABSCBN magsasara na. Yung iba nga nagdidiwang pa. 

“Sana kaya niyong sabihin ‘yan sa mga empleyadong sila lang ang inaasahan ng pamilya nila, na may mga sinusuportahan, pinag aaral, yung iba buntis pa at may pinapagamot na kamag-anak. Sana kaya niyo sagutin ang lahat ng gastusin nila at kinabukasan ng mga pamilya nila…

“Kaya para po sa inyo ang post na ito para paalala sa mga tuwang tuwa nagsara kami, sa 70 kongresistang bumoto sa pagdeny ng aming prangkisa at sa gobyerno nating puno ng galit at paghihiganti lang ang nasa isip at puso sa gitna ng magulo nang mundo at pandemya na dinaranas ng ating bansa. 

“Kapamilya, kapit lang. Tiwala lang. Ang Diyos ay pinagdudahan, inalipusta, binaboy at tinalikuran din ng maraming nagtiwala Sakanya kaya alam na alam Niya ang pinagdadaanan nating lahat ngayon. Hindi mananaig ang kasamaan kahit kailanman. 

 

“MAHAL NA MAHAL KO KAYO. YAKAP NA MAHIGPIT! 

 

#KapamilyaFOREVER

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …