NAKAGUGULAT para sa ilan ang ibinahaging paraan nang pagba-budget ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa latest episode ng kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals.
Habang ang ibang married couples ay may individual at joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwaly na accounts. Ang kay Mikael ay ginagamit nila para sa lahat ng expenses gaya ng credit card bills, groceries, at household expenses samantalang lahat naman ng income ay pumapasok sa account na nakapangalan kay Megan.
Kuwento ni Mikael, apat na taon na nilang ginagawa ang naturang sistema at nasanay na sila sa ganoong paraan ng pagba-budget. Bukod sa mas organized dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang expenses sa isang account lang, may positive psychological effect din na makita ang lahat ng pumapasok na pera sa iisang account.
“I think those two are the most prominent motivations for using this style of finance, so organization and clarity and good vibes,” dagdag pa ng Love of my Life star.
Rated R
ni Rommel Gonzales