Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Resto bar owner, binaril sa ulo ng magdyowa  

DALAWANG bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang resto bar owner makaraang barilin ng isang lalaki at babae na hinihinalang magkasintahan at nagpanggap na magpapa-reserve sa restaurant sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

 

Ang biktima ay kinilalang si Mark Bien Urieta, 36, may asawa, negosyante at residente sa Emerson Bldg., E. Rodriguez Ave., Barangay Doña Josefa, ng nasabing lungsod.

 

Namatay noon din ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

 

Base sa report  ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang insidente ay naganap dakong 6:30 pm, nitong 19 Hulyo, sa loob ng Crabaholic Grill and Restaurant na matatagpuan sa Emerson Bldg., E. Rodriguez, Barangay Doña Josefa.

 

Ayon sa pahayag ng empleyado ng biktima na si Cassandra Fuentes kay P/Cpl. Tanog Morshid, imbestigador ng CIDU-QCPD, abala sila sa paglilinis sa loob ng restaurant nang pumasok ang isang lalaki at babae at nagtanong ng ‘reservation.’

 

Pero nang harapin sila ng negosyante upang kausapin, bumunot ng baril ang lalaki at pinaputukan nang dalawang beses sa ulo ang biktima.

 

Nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek, habang agad humingi ng saklolo ang isa pang empleyado ng restaurant sa malapit na himpilan ng pulisya.

 

Nasamsam sa crime scene ng SOCO team sa pamumuno ni P/Lt. John O. Agtarap ang apat na basyo ng bala, dalawang lead core, at dalawang deformed metal jacket fragment.

 

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na pamamaril upang makilala ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …