Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Naabong’ hi-profile bilibid convict dahil sa Covid-19 dapat imbestigahan

ABO na lamang ang natira sa labi ni Jaybee Sebastian nang pumutok sa media na patay na pala ang isa sa high profile drug convict sa National Bilibid Prison (NBP).

Kahapon, kinompirma ni Bureau of Corrections (BuCor) chief, Director General Gerald Bantag na ang high-profile drug convict na si Jaybee Sebastian ay namatay dahil sa coronavirus at agad din ipina-cremate.

Ayon kay Bantag, sumunod sila sa utos ng BuCor. Sa protocol na ang bangkay ay kailangan i-cremate sa loob ng 12 oras.

Ganito rin ang sinabi ni Gen. Bantag kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa isang closed-door meeting nitong Lunes ng hapon.

Marami ang lumutang na haka-haka sa pagsunog sa bangkay ng high profile drug convict.

Bakit po ba pinag-uuaspan ang kamatayan ni Sebastian?! Ano ba ang importansiya niya sa lipunan?

Kung maalala po natin, si Sebastian ay naging witness sa drug case ng nakakulong na si Senator Leila de Lima – tatlong taon nang dinidinig ang nasabing kaso.

Hindi naman nag-aalala si Secretary Guevarra kung wala na si ‘Sebastian.’ Marami raw silang nakahanay na witness.

Pero bukod kay Sebastian, walong high profile drug convicts pa ang iniulat na namatay. Pero kailangan pa itong siyasatin.

Pero ayon kay Undersecretary Mark Perete, mapapatunayan lamang ito kung may hawak silang death certificate.

“Until such documents are presented, it may be premature to confirm their deaths, much less the cause thereof,” ani Perete.

Kung hindi tayo nagkakamali, sina Amin Imam Boratong at ang fellow Building 14 inmate na si Zhang Zhu Li ay patay na rin, ayon sa mga naunang ulat.

Ang pagkamatay ni Boratong ay opisyal na nakatala sa isang dokumento na nagsasabing ire-release na ang kanyang ‘katawan’ habang si Zhang ay nasa BuCor masterlist nakalistang patay na.

Nagiging kontrobersiyal din ang ‘Building 14’ dahil umano marami sa mga convict rito ay ‘namamatay’ sa COVID-19?!

        OMG!

        Sa ‘Building 14’ nakakulong ang mga high-profile convict sa loob ng Bilibid.

        Malakas ang bulungan sa ‘oblo’ na kung gusto ng proteksiyon ng isang convict kailangan niyang ‘umareglo’ sa mga ‘mayores’ sa Building 14, dahil doon para umano silang nasa loob ng isang ‘kaharian.’

        Kumbaga, ang Building 14 ang bagong ‘kanlungan” ng masasalapi sa loob ng Bilibid.

Ang sabi, inutusan na ni Secretary Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) upang maglunsad ng imbestigasyon (full probe) sa insidente ng pagkamatay ni Sebastian at ng walo pang high profile drug convict.

        Makikipagtulungan umano si Gen. Bantag sa imbestigasyon na ito.

        Pero bago pa ang kooperasyon ni Gen. Bantag marami na ang nagtatanong kung bakit hindi umano ‘transparent’ ang Bureau of Corrections (BuCor) sa sitwasyon ng mga convict sa Building 14 — lalo sa media at sa mga kaanak.

        Maraming kaanak ng mga convict na nasa Building 14 ang nagtatanong dahil nga sa balitang marami na ang namamatay doon nang hindi alam kung ano ang tunay na dahilan.

Hindi rin sinasabi ng BuCor kung ano ang tunay na sitwasyon ng impeksiyon sa nasabing gusali at kung may kakayahan ba silang magsagawa ng pagsusuri sa kalagayan ng mga convict? 

Inamin umano ni Gen. Bantag na 21 convicts na ang namamatay sa COVID-19 habang ang lima ay nasa isolation.

Tiniyak din umano ni Gen. Bantag na kontrolado nila ang health situation sa Bilibid.

        Pero bukod sa NBI, humirit na rin ng imbestigasyon ang Senado.

        Ano ang nangyayari sa loob ng Bilibid, lalo sa loob ng Building 14, Gen. Bantag?

        Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *