Wednesday , April 16 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

IATF-MEID, drive-thru COVID-19 testing hindi checkpoint ang dapat na itinayo

TALAGANG BILIB tayo kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ibang klase talaga siya. Imbes punahin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), na ‘nakakokonsumi’ na ang performance, patuloy siyang gumagawa ng paraan upang makatulong.

Gaya ng ginawa niyang LIBRENG drive-thru COVID-19 testing hindi lamang para sa mga Manileño kundi kahit sa taga-ibang lungsod na daraan ay tatanggapin.

Ito ‘yung aksiyon na matagal na nating hinihintay na gawin ng IATF o ng Department of Health (DOH), magsagawa ng mga testing centers na puwedeng puntahan ng  ating mga kababayan na hindi nila iisiping wala silang pera o magtatanong muna kung libre ba?

Dapat, imbes checkpoint, mga testing center ang itinayo ng IATF. E ‘di sana matagal na tayong may eksakto o tamang bilang.

Hindi sana tayo nagoyo ng DOH.

Ang siste, kailangan pang maghintay ng sintomas bago payagang mag-test.

E sabi nga ninyo, may mga kasong asymptomatic. ‘E kailan pa malalaman na asymptomatic kung walang testing?!

Ay sus!

‘Yan checkpoints ay naghatid ng tensiyon sa mga mamamayan at ang sabi nga ‘e laging nagpapaalala ng hindi magandang pangyayari sa pagitan ng mga alagad ng batas at ng pangkaraniwang mamamayan.

Ngayong pataas nang pataas ang bilang ng infected ng COVID-19 na umabot na sa 67,456 cases, hindi pa rin ba magsasagawa ng mass testing ang IATF at DOH?

 Diyan po ninyo ilaan ang pondo sa mass testing nang maka-achieve naman tayo ng kapanatagan, ‘wag na sanang mapunta sa kung kani-kaninong ‘bulsa.’

Kung nag-umpisa na tayo noong Enero pa lamang, baka marami na tayong nagawang test at nagkaroon na ng direksiyon ang laban natin sa COVID-19.

Umpisahan na po natin ngayon IATF. Ngayon na po ang panahon na dapat tinuan at seryosohin ang testing dahil kung hindi magtatambakan na ang COVID-19 cases sa bansa.

Please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *