Thursday , December 19 2024

Grandstand drive-thru COVID-19 testing kasado na ngayon

KASADO na ngayong araw ang operasyon ng ikalawang bagong tayong libreng drive-thru COVID-19 testing center na matatagpuan sa Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand, Ermita, Maynila.

Ang pagbubukas sa darating na lunes ay bunsod ng isinagawang dry run ng drive thru COVID-19 testing na pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sabado ng umaga, bilang pagtitiyak na magiging maayos ang full blast operation sa lunes.

Kasama ni Mayor Isko sa nasabing dry run sina Vice Mayor Honey Lacuna na mismong inasistehan ang medical frontliners sa pagkuha ng test sa mga matorista na inalalayan naman nina Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje, Manila Disaster Risk Reduction Management Office chief Arnel Angeles, Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan at acting city engineer Pepito Balmoris.

Sa nasabing dry run, isinagawa na rin ang ribbon-cutting ceremony, noong Sabado dakong 10:00 am upang sa darating na Lunes ay maaasahan na ng publiko ang serbisyo ng drive thru COVID testing na alay ng pamahalaang lungsod.

Nabatid sa alkalde, ang drive-thru COVID-19  testing ay libre hindi lamang para sa residente ng Maynila kundi maging sa mga nasa labas ng Maynila. Kailangan lamang magpakita ng government issued ID at pumirma ng forms para sa confidential test result.

Bukas din ito para sa mga kababayan natin, gaya ng pedicab, motorcycle, at iba pang three wheels na sasakyan.

Ang lokal na pamahalaan ay mayroon nang dalawang drive thru COVID-19 testing areas sa lungsod na kayang makapag-test ng hanggang 700 katao ang bagong drive-thru testing dahil maluwag ang lugar nito, habang ang unang drive-thru testing site na nasa harap ng Manila City hall ay kayang mag-test ng hanggang 200 motorista upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng mga sasakyan.

Ang dalawang drive-thru COVID-19 testing center ay bukas sa pagbibigay ng libreng serbisyo dakong 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Ang blood samples ng mga motorista na sasailalim sa drive-thru testings ay iaanalisa ng    ‘Architect plus i1000 SR machines’ na gawa ng  Abbott Laboratories.

”Napagkaisahan namin na ito ay mabuting alternative sa mabagal na resulta ng PCR mahine. Nababagabag ang taongbayan, mataas ang anxiety level kaya time is of the essence. Itong machines na aming binili ay maayos at mabilis ang resulta,”  ayon kay Mayor Isko. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *