NAGSUOT ng face mask si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon sa kanilang practice.
May dalawang malaking dahilan ang pagsusuot niya ng mask kahit pa magmukhang katawa-tawa sa practice, una’y upang hindi mailang at maging komportable ang kanyang teammates, pangalawa ay para hindi kumalat ang virus.
Isa si Brogdon sa NBA players na nagpositibo sa COVID-19 pero gumaling na. Siya ang huling manlalaro na dumating sa Orlando, Florida.
Noong 24 Hunyo, inianunsiyo na nagpositibo sa test si Brogdon, nag-ensayo siya noong Miyerkoles at balak isuot ang face mask hanggang magsimula ang pagbabalik ng 2019-20 NBA season na gaganapin sa Walt Disney World.
“I feel really good,” wika ni Brogdon. “My conditioning is not where I want it to be, of course. It’s not NBA shape. But I’ve heard people say I look more in shape than they thought I would. I will definitely be in shape by the time games start.”
Ayon kay coach Nate McMillan, kay Brogdon ang desisyon.
“He doesn’t have to do that,” hayag ni McMillan. “But we haven’t really thought about it [spreading] because of all the testing we have go through.”
Ikakasa ang restart ng NBA sa 30 Hulyo na 22 teams lang ang makapaglalaro at may tig-walong laban lamang sila bago ang playoffs.
Pero sa 22 Hulyo ay magkakaroon ng exhibition games, pitong araw tatagal ang laban, tig-tatlong laro ang bawat teams. (ARABELA PRINCESS DAWA)