Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhian, nami-miss na ang anak sa Love of my Life

MASUNURIN at matalino kung ilarawan ni Rhian Ramos ang kanyang ‘anak’ na si Gideon na ginagampanan ni Ethan Hariot sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life. 

 

Aniya, “Napakalambing n’ya with his mom. He’s such an intelligent boy and you can tell kasi ang dami niyang tanong.”

 

Sa kanyang online get-together na #LetsTalkLove kamakailan, ikinuwento ni Rhian ang isa sa mga ame-miss niyang memory kasama si Ethan.

 

“Naaalala ko kapag may eksena kami sa dinner table, lagi siyang nakatingin sa mommy niya. Noong una kasi naming eksena sa dinner table, kain siya nang kain so hindi na niya nasasabi ‘yung mga linya niya. So noong mga pahuli na naming tapings, lagi na siyang nakatingin sa mom niya. Siguro sinabihan siya na ‘wag ka muna kakain hanggang di pa tapos ‘yung eksena ah.’ Napaka-masunuring bata.”

 

Dahil tigil muna sa taping ang Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng pinagbidahang Pinoy adaptation ng Stairway To Heaven kasama si Dingdong Dantes tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …