Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jak, na-challenge sa new normal taping

KUMUSTA ang buhay-quarantine ni Jak Roberto?

 

“Ayun Zoom meeting-zoom meeting. Karamihan like AOS, ‘All-Out Sundays,’ nagla-live kami via Zoom lang din, eh. ‘Yung mga meeting namin before mag-live, rito lang din sa Zoom. Sa mga guesting naman like sa ‘MARS,’ kami na ‘yung kumukuha niyong mga shot ng pagkain, halimbawa nagpe-prepare kami, tapos ‘yung mga interview, meeting lang ulit sa Zoom, ganoon.

 

“So as more on sariling sikap, kami ‘yung nag-iilaw, kami ‘yung kumukuha sa kamera ‘yung ganoon so mahalaga ‘yung mga ring light namin ngayon, mga tripod at saka mga chroma.”

 

Since nagkaroon ng quarantine, sinong artista na ang nakita niya ng personal?

 

“’Yun lang pong mga nakasama ko sa ‘Magpakailanman,’ sila pa lang.”

 

Ang tinutukoy ni Jak ay ang taping niya for the very first time since nagkaroon ng pandemic dahil sa Covid-19. Si Jak ang gaganap sa life story ng sikat na dancer/choreographer at itinuturing na internet sensation ngayon, si DJ Loonyo.

 

Ang mga artistang nakasama ni Jak sa naturang episode ay sina Lovely Rivero, Jong Cuenco, at Liezel Lopez.

 

May pamagat na Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story, ito ay idinirehe ni Zig Dulay. Ito ang unang bagong episode ng Magpakailanman (#MPK) sa GMA ngayong quarantine at mapapanood sa Sabado ng gabi, 8:00 p.m., July 18.

 

“Ito ‘yung first taping ko ng new normal, so tatlong artistang pa lang ‘yung nami-meet ko ng personal simula noong nag-lockdown.”

 

Sila naman ng girlfriend niyang si Barbie Forteza, ay nagkikita at least once a week kapag binibisita niya ito. Ibinalita rin ni Jak na nagwo-workshop ngayon si Barbie sa ilalim ng mahusay na aktres na si Cherie Gil.

 

“Idol na idol niya ‘yun, si Ms. Cherie, so nag-enroll siya. Kapag wala siyang workshop, doon ako bumibisita.”

 

Halos para na rin silang nasa isang long-distance relationship kahit pareho silang taga-Quezon City dahil sa dalang ng kanilang pagkikita dahil sa pandemic.

 

Kakadeklara lang ng MECQ na tiyempong 3rd anniversary ng kanilang relasyon ilang buwan lamang ang nakararaan, kaya hindi sila nagkita that time, bagkus ay nag-Zoom date na lamang sila ni Barbie, at via Zoom ay tinuruan niyang magluto ng steak ang aktres.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …