Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coleen Garcia Billy Crawford

Billy Crawford, balik-GMA?

NAG-TEXT kami kay Billy Crawford para tanungin  kung totoo ba ‘yung nakarating sa amin na kinukuha siya ulit ng GMA 7 pagkatapos magsara ng ABS-CBN.

 

Bagamat talent ng Viva Artist Agency si Billy, sa mga show naman ng Kapamilya Network siya napapanood mula noong bumalik siya sa ‘Pinas at iwan ang pagiging international singer.

 

Pero for the record, sa Kapuso Network naman siya talaga nagsimula. Naging member siya noong 80’s ng sikat na sikat na youth-oriented variety show na That’s Entertainment hosted by the late German Moreno. Kaya nga ang tanong namin sa kanya ay kung kinukuha ba siya ulit.

 

Ang tanging sagot sa amin ni Billy ay, “nope! Not at all!”

 

Sinundan namin ang tanong sa kanya na what if kunin nga siyang muli ng Siete? Ang reply niya, “Medyo mas malaki pa sa network itong problema natin Rom. Malaki ang respeto ko sa GMA kasi roon ako nagsimula at doon din ako lumaki. Never kong kinalimutan ‘yun. Mismong sila nakikiramay nga sa mga Kapamilya. Nakakataba nga ng puso na makitang nagkaka-isa tayo sa panahon ngayon. I’m still a Kapamilya. And I will pray hard for resolutions. Pero one thing that comes before all of this ay ang aking sariling pamilya, si Coleen at ang aming anak ang uunahin ko. ‘Yan ang priority ko sa buhay ngayon. That’s my responsibility bilang asawa at bagong ama.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …