Si Ms. Gloria ay gumaganap dito bilang si Dahlia Rodriguez, isang babaeng puno ng kagandahan at talento ngunit mayroong madilim na nakaraan at malungkot na kabataan.
Si Maris naman ay si Tarsila Rodriguez, ang original beauty queen sa pamilya na naging Carnival Queen noong 1939. Sa kanyang maamong mukha at kagandahan, nakatago ang mapait niyang karanasan sa mapang-abusong asawa na itinuring lamang siyang “trophy wife”. Siya ang nagtanim sa isip ni Dahlia (Gloria) na huwag magpaapi at magpakatalino.
Ang serye ay magsisimula ng streaming ngayong Wednesday, July 15 para sa episode 1, 2, at 3 and sa July 17 para sa episode 4, 5 at 6. Sa July 29 naman ang simula nito sa TFC online.
Kaabang-abang na makita sa serye na magkakasama ang real life queens na sina Miss Universe 1969 Ms. Gloria, Reina Hispanoamericana 2017 na si Wynwyn, at ang Miss Universe Philippines 2016 na si Maxine.
Bagay na bagay kay Nella Marie ang role bilang batang Gloria Diaz. Actually, may hawig siya sa dating Ms. Universe noong kabataan nito.
Si Nella ay unang sumabak sa pag-arte sa harap ng camera noong siya ay pitong taong gulang sa pelikulang Marino, bilang anak ng nina Allen Dizon at Ara Mina. Paglipas ng sampung taon, ngayon ay dalagita na siya sa gulang na 17 at tila mas handa nang maging aktibo sa mundo ng showbiz.
Napanood din si Nella sa award-winning movie ng Heaven’s Best Entertainment Productions na Rainbow’s Sunset, entry sa 2018 Metro Manila Film Festival na tinampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, at Sunshine Dizon.
Nagpatikim si Nella ng dapat asahan sa kanilang mini-series.
Esplika niya, “Beauty Queens is about the story of a family po, particularly family po ni Ms. Gloria Diaz which plays the role of Dahlia. So ipapakita po niya rito kung ano… it will show her past. It will show what happened to her para matamasa ang mga mangyayari ngayon.
“It will also circle around their children and what their lives are like po and conflicts po around their family, ganoon.”
Saad pa ni Nella, “So, my character naman po in this series is the young Dahlia Rivera. So, ako po yung bata di ba? My role is, she’s a very strong woman. Tinuruan po siya ng nanay niya na huwag po siyang magpapa-api sa ibang tao. To always use her beauty and her brains to basically get what she needs and what she wants, para po like, hindi po siya matulad sa nanay niya.
“But basically, she is a very headstrong woman. So yun po yung role na gagampanan ko and sana po, nagampanan ko naman po nang maayos.”
Nabanggit din ng eldest daughter ng award-winning actor na si Allen Dizon kung ano’ng klaseng katrabaho ang mga totoong beauty queens na nasa seryeng ito.
“So siyempre po, para sa akin, nakaka-pressure. Siyempre po gagampanan kong role is a beauty queen, so dapat makuha ko po yung parang poise nila, the way they bring themselves, ganoon. That’s why medyo na-pressure po ako, pero at the end of the day, nakaya naman po,” sambit pa ni Nella.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio