Saturday , November 16 2024

Maynila may COVID-19 drive-thru testing na (Inilunsad ni Mayor Isko)

INILUNSAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kauna-unahang libreng drive-thru testing sa mga motorista upang magbigay kapanatagan at mawala ang pagkabahala at agam-agam ng mga residente patungkol sa COVID-19.

 

Nabatid kay Mayor Isko, aabot sa 16,000 motorista ang kayang silbihan ng makina sa loob ng isang linggo at ang resulta ay mas konklusibo at sigurado kompara sa ordinaryong rapid testing.

 

Ayon sa ulat, ang proseso sa drive-thru testing  ay mabilis at kinakailangang pumirma ng form at magpresenta ng ID ang mga intresadong motorista na aasistehan ng medical personnel na kukuha ng kanilang blood sample at iaanalisa ng bagong biling Architect Pplus i1000 SR machines na ginawa ng Abbott Laboratories.

 

Sa COVID-19 drive thru testing ay may mangangasiwa ng apat na medical technologist para sa operasyon mula 7:00 am hanggang 5:00 pm.

 

Makaraaang sumalang sa drive-thru COVID-19 testing ay tatawagan ang mga motoristang sumailalim sa test upang malaman ang resultan sa loob ng 24 oras.

 

Pagtitiyak ng alkalde, ang resulta ay mananatiling confidential gayondin ang mga impormasyon upang mapangalagaan ang kapakanan ng motorista na sumailalim sa drive-thru testing.

 

“If the result is positive, the person concerned will be given instructions on what to do. Depending on his condition and the symptoms he manifests, he may be taken by the city government to the nearest quarantine facility for the purpose of isolating him so as not to infect his family and community members and then treated accordingly,” ayon kay Mayor Isko.

 

“Marami ngayon sa ating mga kababayan ang napapraning, naii-stress kaiisip. So, para mabigyan natin sila ng kapanatagan, iniaalay namin  itong bagong sistema ng testing. Libre ito para sa ating mga taga-lungsod,” paliwanag ni Isko.

Nabatid, ang dalawang nasabing makina na binili ng lokal na pamahalaan na may 99.6 specific at 100 percent sensitivity ay gagamitin sa bagong COVID-19 drive thru testing. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *