Wednesday , December 25 2024
Ice Seguerra Liza Dino

Ice, nahanap ang positibong pananaw sa Budhismo

MAY bago sa buhay ng mang-aawit na si Ice Seguerra Diño.

 

Magandang pagbabagong kanyang niyakap. At matagal na palang pinagninilayan.

 

Ang Budhismo.

 

“I started my Buddhism journey just a week ago but I’ve already noticed a lot of positive things happening in my life. 

 

“I just had a wonderful conversation with my mom on the phone (1 hr!) and shared with her what I’ve learned so far. 

 

“A deeper understanding on how to accept things or people we can’t change but knowing that the power of self-love an self-respect can change our perspective and feelings towards situations that used to make us suffer. 

 

“Love you, Mama Caridad.:) Yoga naman! Hehe.”

 

At nagtsikahan kami ng walang humpay.

 

“Minsan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin. Pwedeng dahil sa takot, o dahil minsan, pagod ka na. Pero parating may darating para tulungan ka tumayo at harapin ito. Hahawakan niya ang kamay mo para malaman mong hindi mo kailangan matakot, o hindi ka dapat mapagod; dahil hindi ka nag-iisa. 

 

“They say the universe will always provide what we need at that moment we need it.  I’d like to thank my lucky stars that I have you, Liza Diño-Seguerra, by my side for the rest of my days. I love you.”

 

Dagdag pa ni Ice, “The Dalai Lama paused for a moment as if to let that idea settle, then added, ‘I should mention that when we speak of a calm state of mind or peace of mind, we shouldn’t confuse that with a totally insensitive, apathetic state of mind. Having a calm or peaceful state of mind doesn’t mean being totally spaced out or completely empty. Peace of mind or a calm state of mind is rooted in affection and compassion. There is a very high level of sensitivity and feeling there.’”

 

Binalikan ko rin naman ang mga nauna ko ng nabasa tungkol sa Budhismo at ang Zen way of life. Na hindi Diyos si Buddha. But an extra-ordinary man. At hindi naman ito relihiyon.

 

Sabi pa ni Ice, “Matagal ko nang gusto talaga, nagsisimula pa lang kami ni Liza noon, I’ve been wanting to study it na. It fits my principles, my core as a person. so ayun, last week, I messaged PureLand Buddhism here sa FB so ayun, sinumulan ko na. Im happier, excited with all the things na natutuhan ko.

 

 

“Ako, I’m dealing with diabetes, depression and anxiety. I felt that going through this journey will help me find my balance and be more enlightened with what’s going on with me in response to whats going on around me.

 

“The toxicity now is too much. My mental health is having a hard time handling it. Too much fighting but not enough listening and finding a common ground.”

 

Ang pangarap nga nila ni Liza, eh magkaroon ng sarili nilang farm at i-enjoy ang simpleng buhay.

 

Na hindi naman malayong ma-achieve!

 

Peace. Balance. Wisdom. Ang mga bagay na bininigyang atensiyon niya sa ngayon.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *