BINIGYANG-DIIN ni Senate Minority Leader Frank Drilon na malalabag ang karapatang pantao kapag ikinasa ng gobyerno ang ‘door-to-door search’ ng mga positibo sa COVID-19.
“No warrant, no entry,” ayon kay Drilon, na hinikayat ang gobyerno na suriin muna ang bagong estratehiya.
Mali rin aniya na mga alagad ng batas ang maghahanap sa mga may sakit sa katuwiran na maaaring magdulot ito ng sindak at takot sa mga mamamayan.
“We need officials to be creative in their solution, not fascist actions to demand submission which by the way has not worked for the past few months. And lastly, we need government to draw out the people’s cooperation and it can only be done when our people see that government has a clear focused strategy to contain this virus. Sadly, that remains to be seen,” diin ng senador.
Giit ni Drilon, sa mga nakalipas na buwan ay paulit-ulit ang kabiguan ng mga opisyal na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Tila may sumbat na sinabing ginawa na nilang mga senador ang nais ng gobyerno at ito ang pagpasa ng “Bayanihan to Heal as One Act” ngunit palpak pa rin ang mga opisyal.
“We have extended and legislated all the necessary measures, as they have requested from the Senate to battle this crisis and yet, repeatedly, our officials have miserably failed, through incompetence, negligence, and object refusal to do mass testing and extensive contact tracing that have immeasurably resulted in the dramatic rise of covid cases,” aniya. (CYNTHIA MARTIN)