Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloc 9 at Thea, magkatulong sa pagtitinda ng lutong bahay

DAHIL sa hindi pa nasosolusyonan at hindi pa natatapos na pandemya, ramdam na ng bawat isa ang hirap na idinudulot nito sa buhay at kabuhayan.

 

Marami na ang pinasok ang pagtitinda ng sari-saring bagay gaya ng damit, sapatos, bags, PPEs, at pagkain.

 

Isa sa nakaisip na magtinda na rin ng mga lutong bahay katuwang ang kanyang maybahay (Thea) ay ang rapper at composer na si Gloc-9.

 

Para sa batikan at premyadong rap artist, kinailangan na nilang gumawa ng paraan gaya ng pagtitinda at pagde-deliver ng mga ito.

 

Hindi niya ikinakahiya ang marangal at malinis niyang hanapbuhay, maitaguyod lamang ang kanyang pamilya. Kaya naman marami ang lalo pang bumibilib sa kanilang idolo sa maparaan nitong pagsusumikap sa buhay.

 

Saad nga ng kanyang katuwang na si Mrs.9, “No matter where you’re from or what you do for a living, thanks to the conveniences afforded to us by the internet.

 

“We’ve just got to figure out a way to be relevant and survive this crisis. Two weeks ago we started selling cooked meals online via Kusina Ni Juvy.  

 

“We are grateful for all the great reviews and support from our family and friends. I guess the pandemic has instilled in everyone a greater interest in shopping local.  These times of distress create times of opportunity since the days, weeks and months ahead are still uncertain i’d like to share with you Mrs9coffee ️ 

 

“I’m a coffee drinker and I have always dreamed of owning a coffee shop, but do not have the budget to get started and now we’re on a crisis its not even feasible so meantime ill be selling coffee online️ hope you can check it out

 

At kapag nai-deliver na ni Gloc9 ang kanilang mga order na pagkain sa @KusinaNiJuvy, na ang bestseller at laging sold out ay ang kanilang friend chicken at dinuguan, naglalaan pa ito ng panahon sa pagsisikap niyang makatulong sa mga nangangarap na maging musikero sa kanyang online worshops.

 

“Maraming Salamat sa unang batch ng #gloc9writingandcompositionworkshop !!!! Sobrang saya nun at sanay may natutunan kayo sa akin!!! 🏼🏼🏼🏼🏼🏼Mas ok talaga yung 10 lang para makausap ko kayo talaga ng mabuti. At masagot lahat ng mga tanong nyo. Hanggang sa susunod pang batch kitakita tayo muli Maraming Salamat po!!! 🏼🏼🏼🏼🏼🏼

 

Ang susunod na klase ay sa July 26, 2020, for P2K.

 

Masinop. Masikap. Masipag.

 

Handang-handang sagupain ang alon ng buhay.

 

Magandang inspirasyon para sa lahat!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …