ANG Kapuso artist na si Barbie Forteza ang latest victim ng mga manlolokong gumagamit ng kanyang pangalan online.
Sa Instagram story ni Barbie, ibinahagi niya ang isang text ng pag-uusap ng isang online seller at ng isang Michelle Fuentes na umano ay road manager niya.
Sinundan niya ito ng isang post para ipaalam na wala siyang kilalang Michelle Fuentes at binalaan ang posers na gumagamit ng kanyang pangalan.
“Wala po akong kilalang Michelle Fuentes. Lahat po ng pinopost ko ditto sa IG Stories ay sa akin mismo nag-message.
“Nag-DM sila sa IG Direct ko. Nakakalungkot na ginagamit ng ibang tao ang panahong ito para makapanloko ng kapwa. Mag-ingat po tayo.”
Samantala, bukas ng gabi sa Magpakailanman, gagampanan ng boyfie niyang si Jak Roberto ang kuwento ng buhay ng viral sensation na si DJ Loonyo.
Nang sabihin ito ni Jak sa GF, sinabihan siyang pressure ito para sa BF, huh! For sure, watch si Barbie ng episode ng boyfie!
I-FLEX
ni Jun Nardo