Saturday , November 23 2024

Entertainment industry nagdusa’t pinahirapan (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

HABANG pinagpipiyestahan ng sambayanang Pinoy sa panahon ng pandemya, ang mga pelikulang Through Night and Day, Ang Pangarap Kong Holdap, at On Vodka, Beer and Regrets sa Netflix, biglang pumiktyur sa eksena ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Sa panahon na walang ibang mapanood ang sambayanang Filipino, normal lang na tangkilikin at ipagmalaki ang pelikulang Pinoy na mapapanood sa Netflix gaya nga nitong tatlong pelikulang nabanggit natin sa itaas.

Pero mukhang may wrong signal ito sa FDCP.

Aba bigla ba namang naglabas ng kautusan ang Film Council na gusto nilang i-regulate ang video productions kahit sa online?!

Ang kinukuwestiyong policy ay nasa Part H ng General Guidelines of Joint Administrative Order No. 2020-001 na inisyu ng FDCP, DOLE and DOH. Isinasaad sa nasabing seksiyon na: “All scheduled production shoots (whether for film, TV, web, and other audiovisual content) must be reported to DOLE and FDCP at least seven days before the production shoot day.”

‘Yun o!  

        Ang tanong, bakit may ganitong effect ngayon ang FDCP gayong malinaw sa batas na wala silang kapangyarihang mag-regulate ng mga pelikula pero nagbabanta silang pagmumultahin at aasuntohin kapag hindi iniulat nang mas maaga sa pitong araw ang detalye ng video shoots. 

        Hello, ganyan na ba kahenyo si Madam Liza Diño?!

        Mantakin ninyo, epektibo na pala ito noong 7 Hunyo 2020.

Noong  27 Hunyo ay nag-isyu ng Advisory No. 6, na nagkokompirma ng intensiyon na ipatupad ang pagkontrol sa ibang anyo ng media labas sa itinatakdang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 9167, na lumikha sa Konseho at nagtakda ng kapangyarihan at gawain nito.

        Kaya hindi lang pampelikula ang itinatakdang pagre-regulate. Ganoon din sa mga television program, advertising content, corporate audiovisual, animation, live event at iba pang audio-visual content productions nang walang physical presence of audience, patrons or guests.

        Mayroon din silang production registration form na may specific details ng pinapalanong production shoot.

Bukod diyan may bagong ibinabang utos ang FDCP – dapat na mayroong “health and safety commitment declaration” bago magsimula ang production shoot.

        At kung hindi makasusunod, nagbanta ang FDCP na ipatutupad nila ang administrative fines sa ilalim ng DOLE Department Order No. 198, series of 2018, for violation of occupational safety and health standards.

At kahit ang expired na “Bayanihan to Heal as One Act” ay kanilang ring ibinabala ganoon din ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act (Republic Act No. 11332) na may parusa at multang P20,000 to P50,000 at/o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan. 

        Sa ilalim ng RA 9167, ang FDCP ay may kapangyarihan lamang na ipatupad ang Cinema Evaluation System na nagtatakda ng antas o grado sa mga pelikula bilang gabay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ng Videogram Regulatory Board, at ng Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang mga ahensiya para sa panonood, reproduction, exportation at iba pang layunin. At lalong hindi sila binuo para mag-censor ng pelikula.

Dapat din magpaunlad ng incentive and reward system ang FDCP para sa producers, organizing film festivals, mga aktibidad na magpapayabong ng industriya, pagpapaunlad ng mga programang higit na mag-aangat sa kakayahan ng mga artista at mga gumagawa ng pelikula, pagtatayo ng film archive, at pamumuhunan sa mga gawaing direkta o hindi direktang tumutulong sa promosyon ng pag-unlad ng industriya.

O ‘yan klaro naman, pero bakit nanggigil ang FDCP?!

Halos kagagaling lang sa isang malaking dagok ng mga kapatid natin sa entertainment industry nang ipasara ang malaking TV network pero bakit imbes damayan e parang parusa agad ang ipinapataw ng FDCP?

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *