Friday , December 27 2024

Rest in peace, Ka Zeny

NALUNGKOT tayo sa balita kaninang umaga na pumanaw na si Ka Zeny Maranan.

Si Ka Zeny, 75 anyos, ang lider ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Ayon sa mga taong malalapit sa kanya, matagal nang may sakit sa puso si Maranan at pinayohan ng mga kaanak na magpahinga dahil sa kanyang kondisyon.

Pero nanindigan umano ang transport leader na aasikasohin ang kapakanan ng mga driver.

Naaawa raw si Maranan sa mga tsuper na hindi makapagtrabaho at wala nang makain dahil sa tigil-pasada na ipinatupad bunsod ng pandemya.

“Siguro po, dinidibdib din niya dahil sa kanya ang bato ng problema,” ayon kay Bobot Zapanta.

“Talagang kapakanan pa rin ng mga driver ang sinasabi niya e. Naawa siya, nakikita niya ’yung mga drivers niya na gano’n. Talagang iniisip niya pa rin ’yun.”

Magugunitang kasama ang mga jeep sa mga uri ng pampublikong transportasyon na tumigil ang pasada noong Marso matapos i-lockdown ang ilang bahagi ng bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19.

At kahit nagluwag na ang mga quarantine measure, marami pa rin ang mga tsuper na hindi pa rin nakapagpapasada.

LTFRB chair, Atty. Martin Delgra III, makikipaglamay ka kaya sa burol ni Ka Zeny?!

Tsk tsk tsk…  sa sobrang sama ng loob ni Ka Zeny, hindi na nakayanan ng kanyang puso.

Halos 90 porsiyento ng mga miyembro ng FEJODAP ay apektado ang pamumuhay dahil sa kawalan ng kita sa loob ng halos tatlong buwan

Pero mukhang hindi ito binigyan ng konsiderasyon ng LTFRB, ‘di ba Atty. Delgra?

Buy the way, negatibo sa COVID-19 si Ka Zeny, pero isinailalim sa cremation ang kaniyang labi kahapon ng madaling araw dahil posible umanong na-expose siya sa virus habang nasa ospital.

Ngayong araw Lunes hanggang Martes, magtitipon ang mga miyembro sa Haven of Angels Memorial Chapel sa Antipolo, bago ang pribadong pagluluksa ng kaniyang pamilya. 

Naiwan ni Maranan ang isang anak na nasa Amerika ngayon. 

Sa mga naulila ni Ka Zeny, ang aming lubos na pakikiramay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *