Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jesi ng Starstruck, lalaking-lalaki na!

TRANSMAN na ang sumali noon sa isang season ng Starstruck si Jesi Corcuera. Umapir siya sa Bawal Judgment segment ng Eat Bulaga na “lalaki” na ang hitsura kasama ang ilang kasama niyang trasman last Saturday.

Nata­tandaan namin noong  Starstruck days ni Jesi, buking na ang pagiging tomboy niya. Asiwang-asiwa nga siya kapag nagsusuot ng dress.

Pero sa paglutang niya sa national television, puno na siya ng confidence. Kahit chubby eh guwaping ang dating, huh!

Trending sa Twitter ang episode na ‘yon ng Bulaga. Sumaludo naman ang netizens sa mga tanong nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros na naging maingat para hindi maka-offend.

Sa episode na ‘yon, ang Kapamilya actor na si Richard Yap ang celebrity judge. Enjoy na enjoy siya sa segment at ang mga pilyong netizens, ginawan pa sila ng loveteam ni Paolo, huh!

Sa totoo lang, kahit tambak ang commercial load ng Bulaga, lalo na sa segment na ito, matutuwa ka naman sa shocking revelations kada araw!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …