MALAKING international company from America ang Netflix na may millions of viewership, pero ayon sa ating informant, diumano, ay binabarat ng Netflix ang ilang mga artista ng ABS-CBN na inaalok nila ng proyekto.
Aba’y kung totoo ito, sana ay huwag namang gamitin ng nasabing American media services ang pagsasara ng ABS-CBN dahil lugmok na nga kakawawain pa ang kanilang mga talent. O baka naman ‘yung mga tao lang ng Netflix ang gumagawa nito, at walang alam at kinalaman dito ang management.
Puwede naman sigurong tawaran nila ang TF ng Kapamilya celebrity na gusto nilang kunin pero huwag naman kalahati ng TF na kanilang tinatanggap noon sa kanilang mother network na ibinasura nga ng kongreso ang franchise.
Bilib pa naman ang mga artista sa magaganda at dekalidad nilang palabas na local and international movies and shows.
And in all fairness ay sila (Netflix) ang number one ngayon.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma