Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dovie San Andres
Dovie San Andres

Dovie San Andres dumanas ng matinding depresyon kaya nagpahinga pansamantala sa Facebook (Dahil sa mga user, manloloko, at pekeng guy)

Dalawang linggong namahinga sa kanyang social media accounts ang controversial personality na si Dovie San Andres na matagal nang based sa Canada kasama ng pamilya.

Ang rason ay dumanas ng matinding depression si Dovie dahil sa mga panloloko at panggagamit sa kanya hindi lang ng mga guy na kanyang minahal kundi ng ibang tao kabilang na ang pekeng director na penerahan lang siya at nabaon sa utang sa kanyang ex foreigner husband.

Dapat ay noon pa natupad ‘yung pangarap ni Dovie na maging artista gayondin ang kanyang mga artistahing mga anak, pero dahil sa bogus ang nakilalala ni Dovie na director sa social media ay naunsyami nga na umabot pa sa halos hindi na sila makauwi pabalik ng Canada dahil inubos ng nasabing malasadong director ang pera ng kaibigan naming personalidad.

Ngayon ay gusto uling magsimula ni Dovie ng bagong chapter ng kanyang buhay.

Noong mamahinga siya at iniwan pansamantala ang Facebook, nang kanya itong balikan recently ay dinagsa ng sari-saring mensahe ng pag-aaalala at pagmamahal si Dovie mula sa kanyang mga kaibigan at supporters.

Pero para kay Dovie, walang makapapantay ang pagmamahal sa kanya ng namayapang indie actor-model boyfriend na si Khristian Michael Villanueva. Naging tapat at totoo raw ito sa kanya at mahigpit na bilin ay huwag nang magpaloko lalo sa mga stranger.

Isa pa sa hindi niya makalimutan sa kanyang Papa Michael, ang tawag sa kanya nitong The Lady In Red, say pa ni Dovie nang amin siyang maka-chat lately.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …