AYON kay Congressw. Vilma Santos, sobra niyang ikinalungkot at ikinadesmaya ang pagbasura ng franchise application ng ABS- CBN. Si Ate Vi ang may akda ng House Bill No. 4305, isa sa 14 panukalang batas na inihain sa House Committee on Legislative Franchises para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN. Isa rin siya sa 11 mambabatas na bumoto pabor sa aplikasyon ng Dos noong Friday.
“Tomorrow is another day,” simulang sabi ni Ate Vi sa interview sa kanya nina Peter Musngi at Pat-P Daza sa DZMM noong Biyernes ng gabi.
Ikinagulat ni Ate Vi ang naging resulta ng botohan, na 70 ang bumoto ng “Yes” pabor sa pagbasura ng franchise ng Dos.
“Alam ninyo sa totoo lang po, pareho ninyo rin po, ako rin ay nagulat. Kasi initially po, maski sa mga pagdinig, lalo na nong mga unang panahon na dinidinig po ito, ay alam ko po na kahit paano marami pong sumusuporta sa bill na ito na nilalaban namin—the renewal of franchise sa ABS-CBN. Kung nagulat po kayo, maski ako kanina ay nagulat na, ‘Bakit kami… very significant naman na, bakit bigla naman kaming naging 11?’ So, may mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta-basta matatanong o makukuwestiyon. Eh, ganyan ho ang naging palakad, so maski ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-absorb.Pero ‘yan na po naging desisyon, so wala na po tayong magagawa.”
Pinanindigan din ni Ate Vi na sa 13 araw na pagdinig, walang napatunayang paglabag ang ABS-CBN.
“Sa mga hearing na pong ginawa, kaya naman po tayo nanindigan, nakita naman po natin ‘yung mga ini-issue na violations. Napatunayan naman po ng mga national agencies na wala naman po talagang nalabag. Kung mayroon mang mga administratibong pagkukulang, ‘yun naman po ay nakokorek. Mayroon naman po tayong proseso sa batas maging administratibo.”
Kung may mga paglabag man sa probisyon sa dating prangkisa ng ABS-CBN, hindi dapat humantong sa puntong isasara ang estasyon.
“I believe, hindi ito ginagawang shield, but we really… harapin po natin ang katotohanan. Sino po ang nag-iisip na darating ang pandemyang ito? Sino po ang mag-iisip na ilan na po ngayong tao ang wala na pong trabaho? So, ang point ko lang po sana, mabalanse man lang, mabalanse man lang sana ‘yung ini-expect ko na magiging desisyon at mapag-aaralan.”
MA at PA
ni Rommel Placente