Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Garcia nagsara ng Tik Tok account, dating actress Veronica Jones nakisimpatya (Dahil ayaw tigilan ng scammers at abusers)

Kahit alam ni JC Garcia na marami na siyang followers sa kanyang Tik Tok, napilitan siyang isara ang kanyang account.

‘Yan ay para matigil ang panggugulo sa kanya ng mga scammer, hackers, bashers, at mga abuser na walang tigil sa pagpapadala sa kanya ng mensahe na gustong manghingi ng pera.

Dahil sa mga ipinapakita ni JC sa kanyang Tik Tok account, marami ang nag-iisip na mayaman na ang Pinoy singer na nakabili ng milyones na luxury car.

Nagpapadala raw ang mga nasabing tao ng picture na n        asa hospital ang kaanak nila at kung ano-ano pa.

Dumidistansiya na si JC sa mga ganitong klase ng tao, na alam niyang mga scammer. Unang-una ay hindi naman niya kilala at saka wala naman daw siyang dapat ipaliwanag dahil alam niya sa puso niya na marami na siyang mga natulungan na kaibigan na ‘yung iba ay nabigyan niya ng pang-negosyo.

Ilang beses nang nasuba ang kaibigan naming singer/dancer/choreographer/internet anchor kaya may phobia na siya.

Samantala dahil sa rami ng request na bumalik siya sa Tik Tok, na nakapagbibigay siya ng kasiyahan at good vibes sa mga kababayan, sabi ni JC pag-iisipan niya at baka maging active siya uli sa Tik Tok.

Isa sa nagpadala ng mensahe na nakikisimpatiya kay JC ay ang kaibigan niyang si Veronica Jones, isang retired actress at negosyo ang inaatupag.

“God knows your heart ‘yun ang importante!” komento ni Veronica with matching heart react para sa Bff na si JC at sa post nito sa FB.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …