NAIS nating bigyan ng babala ang FOOD PANDA, ang mobile food delivery dito sa ating bansa, na maging maingat sa mga rider na pumapayag mag-duty sa gabi hanggang sa madaling araw.
Masama ang naging karanasan ng mga kabulabog natin sa Food Panda nitong Huwebes ng madaling araw, 9 Hulyo 2020.
Umorder sa Food Panda ang dalawang kabulabog natin.
Dahil nga panahon ng pandemya, wala nang delivery service ang mga nakasanayang fastfood.
Sa madaling sabi naka-order at nakakuha ng magde-deliver through Food Panda ang dalawang kabulabog natin.
Nang limang minuto na lang ang natitira, lumabas sila ng opisina para abangan sa gate ang rider.
Pero tumawag ang rider at sinabing hindi na siya makapupunta sa destinasyon dahil natatakot na baka maholdap daw siya.
Kung gusto raw ng umorder, puntahan na lang siya sa Quiapo at doon kunin ang order na pagkain.
Wattafak!
E mukhang ‘yung rider ang holdaper!
Paging FOOD PANDA, paki-check ang mga rider ninyo sa gabi at baka masalisihan kayo ng masasamang loob.
Sa mga customer naman, baka mabiktima kayo ng mga rider na mahilig gumawa ng drama, kunwari naholdap at hihingi pa ng tulong sa inyo at papupantahin pa kayo sa isang lugar.
Mag-ingat po kayo!
Kung totoong naholdap sila, ang una nilang dapat gawin ay magpunta sa pulis at doon magsumbong.
Hindi ‘yung papupuntahin ang customer kung saan sila naroroon.
Ingat po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap