Monday , May 12 2025
SINISIYASAT ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Manila Police District (MPD) ang mga bala at tama sa sasakyan ng inambus na si Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados sa Quirino Avenue corner Anakbayan, Paco, Maynila kahapon ng umaga. (BONG SON)

Chief inquest prosecutor ng Maynila patay sa ambush

PATAY agad ang chief inquest prosecutor ng lungsod ng Maynila makaraang tambangan ng hindi kilalang grupo ng gunmen, lulan ng isang kulay itim na sport utility vehicle (SUV) sa panulukan ng Qurino Highway at Anakbayan St., Paco, Maynila.

 

Ayon sa ulat ng Manila Police District – Ermita Station (MPD-PS5), hindi na naisugod pa sa pagamutan ang fiscal dahil sa tama ng bala sa mukha at sa katawan  ng napaslang na si Jovencio Senados y Aleman, 62 anyos, residente sa Blk. 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, Laguna.

 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong  11:05 am sa naturang  lugar nang dikitan ng suspek ang sasakyan ng biktima.

 

Ayon sa ulat, nakit sa CCTV nang dumikit ang isang itim na Montero SUV may plakang ABG 8133 habang nasa unahan ng sasakyan ni Senados ang isang kulay pulang Toyota Innova na tila humarang sa sasakyan ng paslang.

 

Sa imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section (MPD-HS), sinabi ni Feljie Bagares, pamangkin at driver ni Senados, lulan sila ng Toyota Yaris (055010) habang binabagtas ang Quirino Avenue nang biglang may humarang sa kanilang Toyota Innova na kulay pula.

 

Kasunod nito, sumulpot ang isang Itim na Montero SUV sa bandang kanan at kaunting binuksan ang bintana saka niratrat si Senados.

 

Nakita rin sa tama ng sasakyan na tila nakasentro kay Senados ang bawat putok ng baril mula sa

hindi pa tukoy na gunmen.

 

Mabilis  na tumakas ang dalawang sasakyan patungong Taft Avenue, kung saan huling namataan ang SUV ng mga suspek sa westbound ng Quirino patungong Roxas Boulevard nang tumakas.

 

Dahil dito, mariing kinondena ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang ambush kay Senados at agad na inatasan ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng sariling imbestigasyon tungkol sa pagpaslang sa fiscal.

 

“We are shocked by the audacity of this attack. it  highlights once again the grave peril that our prosecutors face each day in the discharge of their duties. I have ordered the NBI to immediately step in and investigate this horrible murder,” ayon kay Guevarra.

 

Napag-alaman na si Senados ay matagal nang naninilbihan sa lungsod ng Maynila bilang Chief Inquest Prosecutor na ilang mga kaso ang naging kontrobersiyal dahil sa iniutos nitong “refferred for further investigation” na resolusyon sa kaso na naging dahilan ng kalayaan ng bawat naarestong akusado.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *