Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Mga bulag at one-track minded na bashers ipinapasa-Diyos na lang ni Sharon Cuneta

SOBRA-SOBRA kung makapanakit ng damdamin ang mga basher ngayon. Palibhasa majority sa kanila ay walang puso, mga bulag, at one-track minded. At tama ang sinabi ni Sharon Cuneta sa kanyang IG Live last June 29 na napanood rin worldwide sa kanyang Sharon Cuneta Network sa YouTube na marami na ang hindi matitino ngayon.

Imagine, si Sharon at ang anak na si Frankie ang agrabyado, tapos ang megastar pa ang kanilang kinokondena?! Dalawa lang ang kalaban niya na umapi’t nambastos sa kanya at daughters na sina KC at Frankie, ngayon kung sino-sinong blogger na pawang DDS supporters ang umaalipusta sa kanya.

Obyus naman na ginagamit nila si Shawie para maka-gain ng viewers and subscribers. Ang mahirap pa sa mga taong iyon ay kino-quote nila si mega na hindi naman nito sinabi.

Libo-libo ang nakapanood sa IG Live ng megastar at ilang beses man itong rebyuhin ay wala siyang masamang sinabi kundi ang hinaing lang sa mga taong tumitira sa kanya at kanyang pamilya.

Masama bang sabihin niya na naturingang “Anak” ang tawag sa kanya ni Presidente Rody Duterte pero binibira siya ng mga supporters ni presidente. Natural nanay siya ni Frankie at KC at kahit sinong nanay ay ayaw na may kumakawawa sa kanyang mga anak. Pagkatapos ‘yung mga bastos at walang respeto na nilalang ang kinakampihan pa ng mayayabang na

Vloggers? Kung tirahin si Sharon ay wagas.

Well, hindi naman natutulog ang Diyos at kitang-kita niya ang lahat ng mga kasamaang ginagawa ninyo kay mega at sa pamilya niya. Ang pinaghuhugutan

ngayon ng lakas ni Sharon ay ang Diyos at ang kanyang minamahal na pamilya kasama ang minamahal na Sharonians na hanggang ngayon ay hindi siya iniiwan. May mga nagde-defend din kay mega mula sa mga kaibigan niyang movie press na kilala ang persona niya.

Mabuting tao, ina, asawa, kaibigan, at may malaking puso ang megastar at iyon ang tunay niyang pagkatao, hindi tulad ng pinalalabas ninyo, dahil feeling n’yo nakasandal na kayo sa gobyerno.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …