Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jhane Santiaguel, proud sa liptint niyang Obsessions by MJS

SADYANG business-minded ang former member ng Mocha Girls na si Jhane Santiaguel. Pabor naman ito sa kanya, lalo na ngayong panahon na mayroong pandemic. Kahit kasi nasa bahay lang, nakakapag-business si Jhane.

Sa ngayon, aminado siyang mas nakatutok sa sariling liptint brand na tinawag niyang Obsessions by MJS, kaysa kanyang showbiz career. “Yes po tito, ang business ko ay Obsessions by MJS (Mary Jane Santiaguel), liptint brand po ito,” nakangiting saad ni Jhane.

Dagdag pa niya, “Bale, available po ito thru online. Business na po talaga tito ang mas focus ko ngayon, kaysa asa showbiz. Nag-eenjoy po ako nang sobra sa pagnenegosyo, kahit minsan nakaak-stress at nakakapagod. Pero nakakatuwa po tito, kasi mahal ng mga tao ang brand ko po,” deklara pa ni Jhane.

Bakit niya naisipang mag-business ng liptint? “E kasi, obsessed po ako sa liptint tito, hahaha!” sambit pa niya.

Esplika pa ng aktres/dancer, “Nag-start po ako last May 8 po, tapos buong ‘Pinas po mayroon na rin po akong mga distributor.”

Paano niya ide-describe ang kanyang liptint? Ano ang kaibahan nito sa ilang brands? “Ang Obsessions by MJS ay 100% nakaka-obsessed. Kahit po mag-mask ngayong pandemic ay hindi po siya dumidikit sa mask. Lightweight din po ito and long lasting, at organic,” proud na pahayag pa ni Jhane.

Mahirap bang mag-business ng ganyan?

“Mahirap din po, especially pandemic po ngayon at sobrang tagal po ng shipping. Pero, super-saya ko po, pangarap ko po kasi ito, ang magkaroon ng sariling liptint brand,” wika pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …