Saturday , November 16 2024

Misteryo sa army intel agents rubout, hahalukayin ni Año

HAHALUKAYIN ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang ‘misteryo’ sa pagpaslang ng mga pulis sa apat na intelligence officers ng Philippine Army (PA) sa Jolo, Sulu upang mabigyan ng hustisya ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may personal interest si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman ang tunay na nangyari kaya’t siya mismo ang kakausap sa siyam na pulis na sangkot sa “rubout.”

 

“Ang Presidente po mismo nagsabi na may personal na interest siya para malaman kung ano ang talagang nangyari riyan dahil talagang ayaw niyang nangyayari ito sa mga magkakakampi; at pangatlo, siya mismo po ay makikipag-usap doon sa mga pulis na na-involved dito sa patayan na ito,” wika ni Roque sa virtual press briefing ng Palasyo.

 

Paliwanag ni Año, ipinakulong na niya ang mga pulis na sangkot sa insidente at sinibak na rin niya ang chief of police ng Jolo.

 

“Unang-una, inilagay na natin sa — dinetain na natin itong mga suspect(s) na policemen at (i)ni-relieve na rin natin iyong chief ng Jolo station doon at sisiguraduhin natin na ang justice ay talagang igagawad natin but of course, we will observe the due process,” pagtitiyak ni Año.

 

Ayon kay Año, dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, nagdurugo ang kanyang puso sa pagpaslang ng mga pulis sa mga sundalo dahil personal niyang kilala ang mga biktima at mga professional silang intelligence officers.

 

“You know, my heart bleeds for our soldiers who were slain because I know this people personally. I’ve been a commander of that unit even when I was still in the military service and they’re really professional intelligence officers,” ani Año sa virtual press briefing sa Palasyo kahapon.

 

Isiniwalat ng Kalihim, batay sa mga video, larawan at pahayag ng mga saksi sa insidente, walang naganap na enkuwentro taliwas sa naunang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na may naganap na ‘misencounter.’

 

“Mayroon na tayong nakitang mga video, pictures, even iyong statements ng mga eye witnesses at nakikita naman talaga doon na wala naman talagang shootout na naganap. Ito talaga ay isang shooting incident, but of course, I don’t want to preclude the investigation, kailangan i-observe natin iyong due process. Makaaasa iyong ating mga kababayan na justice ang ang masusunod dito at we will update the… resulta ng mga ongoing investigations natin,” dagdag ng Kalihim.

 

Bukod sa National Bureau of Investigation (NBI), nagsasagawa na rin ng parallel investigation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

 

Batay sa inisyal na resulta ng awtopsiya sa mga labi ng mga biktimang sina Maj. Arvin Indamog, Capt. Irwin Managuelod, at Sgt. Eric Velasco, tatlo hanggang walong bala ang tumama sa kanilang mga katawan.

 

Ang isa pang biktima na si Cpl. Abdal Asula ay hindi sumailalim sa awtopsiya at agad na inilibing alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

 

Batay sa mga larawan na kuha sa CCTV footages,  na inilathala sa Inside Military Forum Facebook page, walang naganap na shotout o misencounter bagkus ay pinagbabaril ng mga pulis na lulan ng patrol vehicle na bumuntot sa sasakyan ng mga biktima.

 

Matapos tadtarin ng bala ang mga biktima ay tumakas ang mga pulis at iniwanan ang mga nakahandusay na bangkay ng apat na sundalo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *