Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, bukod-tanging si VG Jay ang ipinakilala at dinala sa bahay ni Sylvia 

DAHIL bawal ang mass gatherings at hindi rin naman puwedeng mag-tsikahan kapag nag-dinner sa restoran kaya sa bahay na lang nagkita ang magkaibigang Sylvia Sanchez at Aiko Melendez.

 

Kasama ni Aiko na dumalaw kina Sylvia at sa pamilya nito ang boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun at masayang naikuwento ng una na sa sobrang saya at dami ng napagkuwentuhan nilang magkaibigan ay nakalimutan nilang magpa-picture.

 

Kuwento ni Aiko sa kanyag FB page, “Nakakaloka pumunta kami ni Vg Jay Khonghun sa bahay ni ate Jojo Campo Atayde at kuya Art (Atayde), 6 hours kami do’n, ni isang picture wala kami.

 

“Kaloka pero ang dami ko pagkain naiuwi. Salamat ate! At sa pamilya mo! Ang mga tunay na magkaibigan di kailangan magkita ng madalas para maramdaman mo ang pagmamahal at malasakit sa isat isa! Mahal ko kayo ni Kuya Art at ang Pamilya mo Si Gela Atayde, nakaka-proud negosyante na.  Love you Gela pot, sis Ria Salamat also sa pa-cookirs mo for Marthena Jickain and Andre Yllana.

 

“Love you all. Sayang di ko nakita si Arjo. Si Xavi ang pogi!!!! God bless you all Ate take note ah si Vg lang dinala ko sa bahay n’yo ahahahha at pinakilalang pormal alam na.”

 

Sumagot naman si Ibyang ng mahaba sa post na ito ni Aiko.

 

“Namiss ka namin ng sobra, at ang saya natin nag uusap kagabi Mary Aiko Shimoji Melendez.

 

“Nakakatuwang panoorin na ang Kuya Art mo at si VG Jay eh may sariling usapan nagka-kaintindihan sila at tayo naman may pag-uusap din ng sarili pero nagkakasundo tayong tatlo ni VG Jay pagdating sa KDrama, ang out of place lang kuya Art mo ahahaha na-miss ko halakhak mo at mga punchline mo kasabay ng punchline ng kuya Art mo, pareho kayong mga sira ulo nakakatawa pag puma-punchline ahahhaa ang cute mo kagabi at higit s lahat ang sexy mo Aiko Melendez!!!ahahaha natutuwa ako at ang sexy mo na, kaya noong dumating ka sa bahay ko at tinawag ako ni yaya Cherry sa room ko na andyan na kayo ni VG sa sala, e sabi ng yaya Cherry, ay ‘maam eh, andyan na po sila ma’am Aiko at ang payat payat nya eh hahaha kasi sanay si yaya na malusog ka pa noong nagpupunta ka dito, kaya ang pagkaasabi n’ya talaga ng ang payat-payat na maam eh ni maam Aiko, ay double meaning yon.

 

“Natutuwa sya dhl payat ka na pero nalulungkot sya para s akin hahaha sakalin ko tong si Cherry na to eh hahhaa pa-simple pa eh.  Ang saya-saya natin kagabi hahaha at yes, ang tagal tagal mo ng pumupunta dito sa bahay ko, ngayon ka lang nagdala ng bf mo na pinakilala mo s amin.

 

“So I guess ito na talaga ang forever mo at idadasal ko yan bagay kayo ni VG Jay at kinikilig ako habang tinitingnan ko kayo haha akala mo di ako nag oobserba kahit ang daldal ko kagabi hahaha umiikot Aiks ang mga mata ni Angelita hhaha.

 

“Ang bait ni VG Jay at mahal na mahal ka n’ya talaga, kitang kita ko yan kagabi sa kanya. Katuwa at kinikilig ako hahaha.

 

“Ulitin ntn ‘yong dinner na yon at ang dami ko ding natututunan sa pakikinig ko sa usapan hahaha.

 

“Pero ang KDrama talaga di nawawala sa usapan hahaha. At next time alam ko na ihahanda ko sa inyong mag Babes, nagda-diet pala kayo haha nasa isip ko pa rin kasi yong dati nating mga kainan na lamon talaga hahaha.

 

“Basta Aiko, ang saya saya ko para s’yo. Kitang kita ko kasiyahan mo kagabi. Sobra! Ang saya saya mo.

 

“Basta Lov u my Aiks dito lang ako lagi para syo o txt ko na syo mga papanoorin nyo pa ni VG Jay n Kdrama ha hahahaa. Love u, love u.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …