Friday , December 27 2024

Pangulong Duterte galit na! Pasaherong stranded iprayoridad sa NAIA, terminasyon ng kontrata ng restaurants iniutos kay Sec. Art Tugade

SA WAKAS ay nakaramdam din ng espesyal na trato ang mga kababayan nating locally stranded individuals (LSIs) na halos ilang linggong natutulog sa labas ng airport.

Kung hindi nagalit at nag-utos si Pangulong Rodrigo Duterte na palayasin ang mga restaurants sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), hindi natin alam kung lulutang si Transportation Secretary Art Tugade sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mantakin naman ninyo, kung ano ang naranasan ng mga kababayan nating LSIs. Na-cancel ang kanilang flights dahil sa ipinaiiral na community quarantine.

Imbes magsibalik sa pinanggalingan, nagpasya silang maghintay na lang sa Airport. Pero hindi sila pinayagang mamalagi sa loob at hindi rin sila makagamit ng comfort rooms kaya nagtiis sila sa ilalim ng flyover.

Kamakalawa, mahigpit na nag-utos si Pangulong Digong na bawasan ang mga restaurant sa loob ng airport para mayroong mapuwestohan ang mga kababayan nating LSIs at gayondin ang mga naghihintay ng flight pauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Wala na nga naman maupuan ang mga kababayan natin pero mayroong mga concessionaire na sandamakmak ang business establishments sa loob ng NAIA.

Mayroon silang restaurant sa NAIA terminal 1 mayroon pa sa NAIA terminal 3 at hindi lang tig-iisa, marami — as in marami talaga.

        Sana naman ay alam ni Secretary Tugade kung sino ‘yang concessionaire na ‘yan na kailangan niyang bawasan ng restaurant/s sa Airport para may mapuwestohan ang mga kababayan nating LSIs.

        Saan nga naman kayo nakakita na ang isang international airport, na may tatlong terminal, idinisenyo ng maraming architects sa bansa at mula sa abroad ay walang sapat na upuan para sa mga pasahero?!

Sabi nga ng pangulo, “‘Yang airport na ‘yan, kung sino nag-design niyan g***. Sabihin mo sa kaniya, ‘Walang upuan.’ Iilan lang ang upuan. Kapag ang flights nagpatong, ‘yung iba nakatindig sa… What’s really worse is that meron diyang restaurant sa labas na malaki.”

Sabi pa ng Pangulo kay Secretary Tugade, “Paalisin mo ‘yung restaurant, lagyan mo ng upuan kasi ‘yung mga iba mga [pasahero] mga bata, buntis walang upuan.”

        Ang unang papel nga naman ng NAIA terminals ay para sa mga pasaherong sasakay sa eroplano at hindi para sa mga concessionaire na walang ginawa kundi pagkakitaan ang pasahero.

        Kuha mo, Secretary Tugade?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *