GUSTO natin itanong kung ano na ba ang status ng kaso ni Immigration Officer (IO) Jayson Cutaran a.k.a. Kyle Go Tecson a.k.a. Kyle Russel Go o iba pa niyang aliases, na isinampa ng isang complainant sa BI at sa Department of Justice (DOJ) last year December 9?
Para palang si Mangusin itong si Cutaran, ang daming ginagamit na pangalan?! na isinampa ng isang complainant sa BI at sa Department of Justice (DOJ) last year December 9?
Ilang buwan na ang lumipas pero tila wala pa tayong naririnig na resulta galing sa dalawang ahensiyang nabanggit sa mga reklamong una nang isinumbong sa atin?
Na-COVID na ba ang reklamong isinampa laban kay Cutaran!
Para sa mga hindi nakaaalam, ang immigration of-fixer ‘este’ officer na nabanggit ay sumablay matapos ireklamo ng kasong kriminal at administratibo dahil sa human trafficking, estafa at pagbalewala sa kanilang kasunduan ng kanyang kapartner sa negosyo na travel agency and consultancy?!
Matapos daw tumangay ng limpak-limpak na salapi bilang kabayaran sa pagpapaalis ng overseas Fiipino workers (OFWs) na kulang sa papeles gaya ng Overseas Employment Certificate (OEC) papuntang Saudi Arabia, ay hindi na tumupad sa kanilang usapan ng kanyang kasosyo itong si Cawatan ‘este Cutaran kaya naman napilitan ang kanyang ‘pakner’ or co-investor na magreklamo matapos niyang matuklasan ang illegal activities na ginagawa ni Cutaran at hindi pagbabalik ng kanyang pera.
Arayku!
Balita rin na isang blacklisted na arabong babae ang umano’y tumayong ‘principal’ o recruiter na kausap nitong si IO kuratan este Cutaran sa kanilang “human trafficking activities.”
Ngayon ay sinasabi niyang naglaho rin na parang bula?!
Well, kasama sa dramarama ‘yan natural!
Noon ay napabalita na nag-file ng kanyang resignation sa BI itong si Cutaran ngunit hindi raw ito naiproseso kaya hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang kumag at rumarampa!
Puwede pala ‘yun?!
Pero ang ating tanong, ano ba ang naging aksiyon ng BI Board of Discipline at ng DOJ sa kasong kinasangkutan ni Cutaran a.k.a. Kyle Go Tecson?
Naglaho na rin bang parang bula? O may may mataas na opisyal sa DOJ na pinoprotektahan si Cutaran?
Tsk tsk tsk!
Since ang lahat halos ng mga empleyado ng BI ngayon ay naghihirap dulot ng kasalukuyang pandemya, tuloy pa rin umano ang engrandeng pagrampa nitong si Cutaran a.k.a. Kyle Go Tecson at panay ang pa-raffle sa kanyang social media account?!
Sonabagan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap