Saturday , November 16 2024

Formula ni Goma ginagad ni Año (Bawal ang home quarantine)

GINAYA ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease member at DILG Secretary Eduardo Año ang “Goma’s formula” o ang pagbabawal ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa home quarantine para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).

 

Inihayag kahapon ni Año, hindi na papayagan na isailaim sa home quarantine ang COVID-19 patients sa Cebu at ilalagak sila sa isolation facility.

 

Aniya, halos kalahati ng 4,000 COVID-19 cases sa siyudad ay naka-home quarantine.

 

“All positive cases, whether asymptomatic or mild, should be placed in isolation facilities,” sabi ni Año sa DZMM.

 

Hindi aniya nakatitiyak kung sinusunod ng pasyente ang tamang protocols kapag nasa bahay.

 

Noong Huwebes ay sinabi ni Gomez na hindi siya pabor sa home quarantine’ para sa returnees sa kanilang siyudad mula sa Metro Manila at iba pang karatig lugar.

 

Sinabi ng alkalde na mas malaki ang tsansa na kumalat ang coronavirus disease (COVID-19) at magkaroon ng community transmission kapag ipinatupad nila ang home quarantine sa kanilang siyudad.

 

Katuwiran ni Gomez, sa kulturang Pinoy, kalimitan ay mahigit sa isang pamilya ang nakatira sa isang  maliliit na bahay kaya malaki ang tsansa na magkahawaan sila at makapagkalat ng sakit sa paglabas nila. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *