SA hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), tila ang Cebu City na ang maituturing na epicenter ng sakit sa bansa, ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Aminado si Año, nababahala sila sa rami ng impeksiyon at bilang ng mga namamatay dahil sa sakit sa lungsod kaya higit nila itong tinututukan ngayon.
Paliwanag ni Año, kompara sa Metro Manila, na maraming kaso ng pananalanta ng pandemya, mayroon namang 17 LGUs ang Cebu City na maraming kaso ng karamdaman, gayong iisang lungsod lamang ito.
“Yes, more likely because of the rate of infection… In Cebu City, just one city, so if you compare it to the National Capital Region where we have 17 LGUs… in Metro Manila we have 356 (bagong kaso ng sakit) while we have 131 in Cebu City, so you can just see the number,” paliwanag ni Año.
“Cebu City is taking a lot of new cases. We are worried with the number of deaths also. That’s why we put up a task force in Cebu led by Secretary [Roy] Cimatu as directed by President Rodrigo Duterte,” aniya pa.
Kasalukuyang naka-lockdown ang Cebu City, na nakapagtala na ng 4,962 COVID-19 infections, kabilang ang 2,596 recoveries at 156 binawian ng buhay. (ALMAR DANGUILAN)