Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Ang Probinsyano, ‘di pa magwawakas sa September

NAKATSIKAHAN namin ang artistang kasama sa FPJ’s Ang Probinsyano at siya mismo ang nagtanong kung saan galing ang nababasa niya sa social media na hanggang Setyembre na lang ang action series ni Coco Martin.

At dahil isa kami ang nagsulat ay sinabi naming may source kami na tatapusin na nga lang ang serye ni Cardo Dalisay dahil sa commitments nila sa mga sponsor nito.

“Parang hindi naman kasi naka-lock in kami for five weeks at marami pang bagong makikita, base sa pagkakaalam ko, parang hindi naman September,” kaswal na sabi ng aming kausap.

Dagdag pa, ”baka for the mean time, pero kasi ang lakas ng ‘Probinsyano’ grabe ‘yung mga nababasa naming feedback.”

Puwedeng oo at puwedeng hindi, baka depende nga sa pasok ng ads at ganoon naman talaga kapag punompuno ito (ng ads) ay bakit mo tatapusin, eh, kumikita ang programa at kailangan ito ngayon ng ABS-CBN dahil iilan lang na programa nila ang umeere at ilang empleado ang pinasusuweldo.

May mga nababasa rin kaming komento na gusto na nilang matapos ang FPJ’s Ang Probinsyano at ibang show ulit ni Coco ang gustong mapanood.

Ayaw naman ng iba, ituloy na lang hangga’t may pandemic at ito ang nakakawala ng stress ng mga taong sumubaybay sa kuwento ni Cardo.

Oo nga, baka kaya nag-replay ng isang linggo ang Probinsyano ay nag-update sila ng kuwento na related sa Covid-19 pandemic.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …