Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai napraning, naligo sa labas ng bahay

NAMIGAY ng tinapay sa mga barangay si Ai Ai de las Alas noong kasagsagan ng pandemya sa bansa. Pero hindi na niya ito ipinost sa kanyang social media account.

“May nagpa-selfie sa akin kahit naka-mask kami! Ha! Ha! Ha! Hindi ko na ipinost ‘yon kasi hindi naman ako ganoon!” saad ni Ai Ai sa Zoom interview niya.

‘Yung tinapay niyang ube cheese pandesal ay pinagkakakitaa niya ngayong naudlot ang taping ng Kapuso series na Owe My Love.

Gaya ng ilang tao, nakaranas din ng kapraningan ang Comedy Quen noong lockdown.

“Eh nang puwede nang lumabas, lumabas ako ng bahay. Eh dahil sa kapraningan, bago pumasok ng bahay, naligo ako sa labas ng bahay! At saka ko lang naalala na wala pala akong damit na isusuot! Ha! Ha! Ha!” chika ni Ai Ai.

Sa totoo lang, bahagi na ng GMA Artist Center si Ai Ai na pumirma ng kontrata kamakailan. Pero walang conflict ito sa management niyang Asian Artist Agency ni Boy Abunda.

Gusto nga niyang makasama si Alden Richards sa isang series.

“Pero hindi ko siya boyfriend, huh! Mag-ina ang role namin dahil baka ma-bash ako ‘pag lumabas na dyowa ko siya! Ha! Ha! Ha!” deklara ng Comedy Queen.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …