AARANGKADA na sa mga lansangan ngayong Lunes ang 980 UV Express units.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, ang mga UV Express units na bumibiyahe papunta at palabas ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ay maaari nang mag-operate sa 47 ruta, nang hindi na kinakailangan pang mag-aplay ng special permits.
Sinabi ni Delgra, ang aprobadong guidelines para sa deployment ng 980 UV Express na bibiyahe sa 47 ruta ay alinsunod sa ‘gradual, calibrated at calculated approach’ ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagbabalik ng public transportation sa Metro Manila sa gitna ng umiiral na general community quarantine (GCQ).
Tiniyak ni Delgra, hindi nila inaalis ang posibilidad na mag-deploy ng karagdagan pang modern at traditional jeepneys sa mga susunod na araw para madagdagan ang operasyon ng may 980 UV Express, depende sa passenger demand.
Umapela rin siya sa operators at drivers ng UV Express na estriktong tumalima sa guidelines na itinatakda sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-025, na nagsasaad na ang UV express routes ay dapat na terminal-to-terminal, pagpapanatili ng ‘no pick up’ at ‘drop off’ ng mga pasahero at hindi pagdaan o pagbagtas sa EDSA at Commonwealth Avenue, maliban kung tatawid sila rito.
Binigyang-diin ni Delgra, nananatili pa rin ang umiiral na UV Express fare rate na P2 per kilometer at walang fare adjustment na ipatutupad maliban kung aprobahan ng LTFRB.
Kabilang sa mga probisyon sa guidelines ang regular na pag-eksamin ng operator sa fitness ng driver para magtrabaho, pag-check ng body temperature nito at pag-screen sa mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVId-19) at pagsusuot ng mga driver at konduktor ng masks at gloves sa lahat ng pagkakataon.
Ang mga commuters naman ay kinakailanganmagsuot ng mask bago payagang sumakay sa UV Express at magbayad ng eksaktong pasahe bago pa man sumakay.
Dapat tiyakin na ang passenger load ay hindi lalampas sa dalawang pasahero kada row at dapat may pagitan sa pagkakaupo. Maglagay ang operator ng ‘impermeable barriers’ sa pagitan ng driver at ng mga pasahero.
Kasama sa bubuksang UV Express routes ang Meyca-uayan – Central Integrated Terminal (QC); Obando – MRT North Ave., QC; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – MRT North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Trinoma, MRT North Ave., Mindanao Ave.; Heritage (Meycauayan Bulacan) – SM North (QC); Marilao (Bulacan) – SM North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC); SM Marilao (Bulacan) – Sm North (QC); Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Quezon Ave. via NLEX; Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC); Marilao – Central Integrated Terminal (QC); Marilao Terminal – Quezon Ave. Terminal (MRT); Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal; Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal via NLEX; Turo (Bocaue, Bulacan)) – Mrt / Quezon Ave. Terminal via NLEX; SM Marilao (Bulacan) – Central Integrated Terminal; Mey-cauayan – Recto; Balagtas – Monumento; Springville, Molino Bacoor – Alabang via Daanghari; Molino – Alabang via Daanghari; Molino Bacoor – Ayala Center Terminal via Skyway; Golden City (Dasmariñas) – Ayala Center; Pacita – Makati Square; Pacita Complex – Ayala Center Terminal via San Pedro Exit; Pacita Complex (Laguna) – SM Makati; Pacita (San Pedro, Laguna) – Makati Square; Pacita Complex – Ayala Center via Southwoods Exit; Barangay Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall; Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall (Alabang); Balibago (Laguna) – SM Southmall (Las Piñas); Taytay – EDSA Central; Greenland Executive Village (Cainta) – Ayala; Rodgriguez – Sta. Lucia Grandmall (Cainta); Masinag – Ayala; Antipolo – Ayala; Antipolo – Ayala Via C5; Antipolo – Ayala Via Tikling; Antipolo – Ayala Via Circumferencial Rd.; San Mateo (Rizal) – Ayala Ave.; Binangonan – Sta. Lucia (Cainta); Binangonan – SM Megamall; Binangonan -EDSA Starmall; Binangonan – EDSA Central; Binangonan – Marikina Riverbank via LRT Santolan; Cardona – EDSA Starmall; Cardona – EDSA Central; at Morong – SM Megamall.
(ALMAR DANGUILAN)