DINAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Manila Police District (MPD) ang dalawang big time drug pusher makaraang makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isinagawang buy bust operation kahapon sa Quiapo, Maynila.
Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang suspek na sina Casmir Caris, alyas Mimi, 36 anyos, tubong Lanao del Sur; at Montiyah Madaya, alyas Mhon, 38, kapwa residente sa Barangay 384, Zone 39, Quiapo, Maynila.
Dakong 5:15 pm, nitong 23 Hunyo, agad nakipag-ugnayan ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Tondo PS2 kay MPD PS3 commander, P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo para sa buy bust operation laban sa dalawang suspek sa Norzagaray St., Barangay 384, Zone 39, Quiapo.
Makaraang makabili ng halagang P26,000 shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa dalawang tulak, inaresto ang mga suspek
Nakuha sa dalawa ang karagdagang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ag dalawang suspek. (ALMAR DANGUILAN/BRIAN BILASANO)