PINAG-AARALAN na ang pagpapatupad ng 14-araw na lockdown sa Senado.
Ito ay makaraang may maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado nito.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, hindi niya tiyak ang bilang pero dalawang hanggang apat aniya ang bagong kaso.
Kahapon, araw ng Lunes, 22 Hunyo, ay nagsagawa na ng disinfection sa Senado.
Sa isang panayam, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinag-aaralan ang pagpapatupad ng lockdown sa buong gusali sa loob ng dalawang linggo.
Ang Office of the Senate Secretariat aniya ang magpapasya kung kailangan ang lockdown. (CYNTHIA MARTIN)