Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nambatos kay Frankie, pinaiimbestigahan na

BASTA para sa mga anak, lalaban, papatol, at makikipag-away ang isang ina.

On the war path ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil sa pambabastos na ginawa sa kanyang anak na si Frankie dahil sa paglalabas nito ng saloobin sa isyu ng pananamit at rape sa kababaihan.

“What an a**h**e of a father. 

“Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. 

“Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo? 

“At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila – at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. 

“BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS! 

“Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap – di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo – tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan. 

HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? 

“We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!þ 

“I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM. 

“I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. 

“GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA. @bernsrp @indaysaraduterte (SHARONIANS, remem­ber this mon­key’s face and name please.)”

Dag­d­ag din ni Senador Kiko Pangilinan”Salamat sa lahat nung nagbigay ng info tungkol sa isang Sonny Co/Sonny Alcos na may  offensive at highly inappropriate if not criminal post sa kanyang social media account na addressed kay Frankie tungkol sa rape.

“Pinareport na natin at pinaiimbestigahan. Hindi natin palalampasin ang ganitong pambabastos at pananakot na manakit ng kapwa sa social media.” Lagot ka ngayon!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …