SUMAMBULAT na ang poot sa dibdib ni Sharon Cuneta sa dalawang taong dating may koneksiyon sa kanya at sa isang netizen na nagsabi sa social media na rereypin ang anak na si Frankie.
Mahaba ang litanya ni Shawie sa Twitter na ibinuhos niya ang matagal nang kinikimkim sa galit sa dating movie reporter.
Mas mabagsik ang buwelta niya sa netizen na nagban‑ tang gahasain si Frankie.
“Hahanapin kita. I will find you. You face me coward. You coward. Duwag.
“Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel at Miguel. You crossed the line,” deklara ni Sharon.
Naku, hindi ninyo kilala ang galit ni Sharon, huh!
Ibang usapan kapag reputasyon niya at mga anak ang binira. Sa loob ng mahigit apat na dekada eh, iningatan niya ang pangalan niya. Hindi siya papayag na dungisan at wasakin ang pinaghirapan niya.
At siyempre, pagdating sa mga anak, walang ina na papayag na bastusin ng sinuman ang mga ito!
Bihirang magalit si Sharon at once ginalit ninyo, magtago na kayo sa pinanggalingan ninyo!
I-FLEX
ni Jun Nardo