PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang sambayanan na huwag magpakampante hanggang wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Go, hindi pa ligtas ang sambayanan sa pandemic habang patuloy ang gobyerno sa pagsisikap para maibigay ang mga serbisyong para sa bayan.
Ayon kay Go, bilang mambabatas ay hindi niya lilimitahan ang sarili niya sa kanyang gawain sa lehislatura sa halip ay tutulong siya sa sambayanan sa abot ng kanyang makakaya.
Muling ipinaalala ni Go sa sambayanan na makinig sa health protocols at manatili muna sa loob ng tahanan kung maaari.
Samantala, iginiit ni Go, prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral kaya hinahanapan ng paraan ang ibang estilo ng pagtuturo nang hindi kailangan ng physical o face-to-face teaching.
Inihayag ni Go, batid ng gobyerno na hirap na rin ang business sector kaya naman pilit na naghahanap ng paraan ang gobyerno para makatulong sa pamamagitan ng mga subsidy.
(CYNTHIA MARTIN)