Friday , May 16 2025

Mukha ng rider pisak sa truck   

PATAY agad ang isang rider nang tumilapon at una ang mukhang bumagsak sa gilid ng kalsada, makaraang mahagip ng isang truck sa southbound lane ng A.H. Lacson Avenue malapit sa panulukan ng G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) chief. P/Maj. Ronaldo Santiago, namatay noon din ang biktimang kinilalang si McNico Padua, 32 anyos, residente sa 1901-K Interior, 71 Zamora St., Pandacan.

Sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic and Enforcement Unit (MDTEU), dakong 10:50 pm nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabagtas  ang A.H. Lacson Avenue malapit sa kanto ng G. Tuazon St., nang mabilis na lumipat ng linya kaya nabangga ng nakasabay na truck.

Hindi hinintuan ng truck driver ang biktimang humandusay sa gitna ng gutter sa naturang lansangan.

Patay na nang dumating ang MMDA ambulance sa pinangyarihan ng insidente at sinabi ni Team Leader Melissa Santos na wala nang buhay ang biktima kaya dinala sa HPT Funeral morgue para sa awtopsiya.

Patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng driver ng truck. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Matansero timbog sa P136-k shabu sa Calamba Laguna

Matansero timbog sa P136-k shabu

CAMP BGEN PACIANO RIZAL – TIMBOG ang isang matansero nang mahulihan ng P136,000 halaga ng …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Pulis tinangkang barilin tulak arestado

ARESTADO ang isang kilalang personalidad sa ilegal na droga nang tangkaing barilin ang mga nagrespondeng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation …

Daniel Fernando Alexis Castro

Wagi sa landslide victory  
FERNANDO, CASTRO NAIPROKLAMA NA

OPISYAL nang iprinoklama sina kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *